PUREFOODS, MERALCO UMUSAD SA SEMIS | Bandera

PUREFOODS, MERALCO UMUSAD SA SEMIS

Melvin Sarangay - , March 30, 2015 - 12:00 PM

NAKABALIK sa semifinals ang Purefoods Star Hotshots matapos nilang walisin ang Alaska Aces, 96-89, sa kanilang 2015 PBA Commissioner’s Cup best-of-three quarterfinals game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kinamada ni Denzel Bowles ang 13 sa kanyang 32 puntos sa ikatlong yugto kung saan itinayo ng Hotshots ang 20 puntos na kalamangan bago nagpakita ng katatagan ang Purefoods Star para malagpasan ang matinding ratsada ng Alaska sa huling bahagi ng laro tungo sa pagtala ng 2-0 pagwawagi kontra Aces sa kanilang quarterfinals matchup.

Gumawa si Mark Barroca ng limang sunod na puntos kabilang ang isang 3-pointer sa ika-11 minutong marka ng ikatlong yugto kung saan naglatag ang Hotshots ng 75-55 bentahe na nagsilbing pananggalang ng Purefoods para sa huling arangkada ng Aces.

Makakasagupa naman sa semifinals ng Hotshots ang No. 2 seed Talk ‘N Text Tropang Texters na tinambakan ang Barako Bull Energy, 127-97, sa kanilang quarterfinals match noong Sabado sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang best-of-five semis series ay magsisilbing rematch ng title series noong isang taon kung saan dinaig ng Hotshots, na pinamunuan ang James Mays, sa pamamagitan ng 3-1 panalo kontra Tropang Texters at Richard Howell.

Mula sa 20 puntos na paghahabol, nagawang makalapit ng Aces sa apat na puntos, 88-84, may higit sa dalawang minuto ang nalalabi sa laro. Subalit sinagot ito ni Barroca na tumira ng 4-for-4 at Alex Mallari na naghulog ng dalawang field goals para masiguro ang panalo ng Purefoods at tuluyang patalsikin ang Alaska.

“It certainly got scary in the end there,” sabi ni Purefoods coach Tim Cone. “I can’t tell you how glad I am finishing this series with Alaska. It’s going to be a hell of a series against Talk ‘N Text.

“They’re playing well and we’re playing well,” dagdag pa ni Cone.

Pinangunahan ni RJ Jazul ang Aces sa itinalang 22 puntos habang si Damion James ay naghulog ng 21 puntos.

Si Joe Devance ay nagdagdag ng 16 puntos habang si Barroca ay nag-ambag 14 puntos para suportahan si Bowles, ang dating Best Import na humablot din ng 11 rebounds.

Sa ikalawang laro, ginapi ng Meralco Bolts ang NLEX Road Warriors sa overtime, 91-85, para makaabante na rin sa semifinals.

Makakatapat naman ng Meralco ang Rain or Shine Elasto Painters sa kanilang hiwalay na best-of-five semis series.

Ang Elasto Painters ay galing naman sa dikit na panalo kontra Barangay Ginebra Kings, 92-91, noong Sabado.

Samantala, sinuspindi ng Office of the PBA Commissioner para sa nalalabing bahagi ng season ang isa sa tatlong referee na humawak sa laro ng Rain or Shine at Barangay Ginebra.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kalatas na ibinigay sa media, inamin ng liga na ang isa sa mga referee ay nabigong tumawag ng 24-second violation sa Gin Kings na nagresulta ng steal ni Jeff Chan kay Mike Dunigan at game-winning breakaway layup.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending