DALAWA sa mga nagtapos sa Philippine National Police Academy (PNPA) at magiging miyembro ng pulisya bilang inspector (lieutenant sa military) ay mga apo nina Nur Misuari at Andal Ampatuan Sr.
The two are Cadets First Class and now police Inspectors Mohammadizar Misuari and Andal Ampatuan III.
Walang masasabi kay Inspector Misuari dahil ang pinaglalaban ng kanyang lolo na si Nur ay prinsipyo kahit na sa karamihan ang kanyang prinsipyo ay tiwali.
Ang ating bantayang mabuti ay si Inspector Ampatuan III dahil siya’y may masamang genes.
Maaaring ang kanyang masamang pinanggali-ngan ang maaaring ma-ging dahilan ng kanyang pang-aabuso pagdating ng araw.
Ang kanyang lolo na si dating Gov. Andal Ampatuan Sr. at tiyuhin na si Mayor Andal Ampatuan Jr. ay sangkot sa walang awang pagpatay ng 57 katao, kasama na rito ang 37 journalists, sa Maguindanao.
Ang kahindik-hindik na mass murders ay tinaguriang Maguindanao Massacre.
May kasabihan na ang mangga ay hindi nagbubunga ng santol.
Hindi ko sinisisi ang batang Ampatuan sa kagaguhan ng kanyang lolo at tiyuhin.
Ang sinasabi ko ay baka siya’y magmana sa kanyang lolo at tiyuhin dahil lumaki siyang nakita ang pang-aabuso ng miyembro ng Ampatuan clan.
Maraming miyembro ng Ampatuan clan ang kasama sa pagpatay sa mga taong walang kalaban-laban.
It seems the PNPA does not stress teaching cadets to behave as model citizens when they graduate from the police institution of learning.
Marami akong natatanggap na report ng pang-aabuso sa kanilang mga tungkulin ng mga opisyal ng pulis na graduates ng PNPA.
In fact, too numerous to be ignored.
Isa na rito ang pambubugbog ng matandang babae ng walong bagong graduates ng PNPA noong 1998.
Matapos ang kanilang graduation rites sa PNPA grounds sa Silang, Cavite, nagtungo ang walo sa Maynila upang mag-celebrate.
Alam ba ninyo kung saan nag-celebrate ang mga bagong police inspectors na ang equivalent rank ay lieutenant sa military?
Sa isang honky-tonk bar sa gilid ng riles ng tren sa Paco.
Doon sila naglasingan. Dahil naging makulit at magulo na sila sa kalasi-ngan, pinasya ng matandang babae na may-ari ng bar na huwag na silang
bigyan ng beer.
Nagwala ang walong bagong inspectors. Ginulpi nila ang kawawang matanda.
Maraming mga pasa at bukol ang matanda nang ito’y nagtungo sa opisina ng Isumbong mo kay Tulfo.
Dinala ko ang matanda sa tanggapan na noon ay Director General Bobby Lastimoso, PNP chief.
Naawa si Lastimoso sa matanda at noon din ay ipinag-utos niya na itiwalag sa serbisyo ang walong bagong police inspectors.
Sa kasamaang-palad, naibalik sa serbisyo ang mga walanghiya matapos ang ilang buwan.
Walang bagong sinabi si Pangulong Noynoy sa graduation rites sa PNPA noong isang araw.
As usual, humingi siya ng pang-unawa sa publiko pero hindi siya humingi ng tawad.
Wala sa ugali ng ating pangulo na humingi ng tawad.
Para bang kung humingi siya ng tawad ay mababawasan ang kanyang pagkalalaki.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.