MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Eto ang SSS No. ko, ….3706. Ako ay ipinanganak noong October 16, 1954.
Ako ay dating empleyado ng Philippine Long Distance Company (PLDT) sa Mandaluyong City. Ang period of employment ko ay May 31 1982 hanggang February 28, 1997.
Ang problema ko po ay hindi nakasama sa contribution ko ang 1998. Ano ang dapat kong gawin? Sana po ay matulungan ninyo ako.
Enrique Canalita
Sta. Rita Pampanga
REPLY: Magandang araw din sa inyo Mr. Canalita.
Sa ngayon ay hindi na tumatanggap ang anumang sangay ng Social Security System n g request for manual verification para sa mga hindi nakasama ang contribution mula taong 1985 hanggang 1989.
Simula pa noong Enero 25, 2015 ay sinuspinde na ng SSS ang manual verification para sa mga naghahabol na miyembro.
Pero hindi ibig sabihin ay hindi na nila makukuha ang ang mga hindi naisama na mga taon sa contributions mula 1985 hanggang 1989.
Minabuti ng SSS sa pangunguna ni SSS President Emilio de Quiroz na mag-hire ng mga encoders para sa otomatikong pag-manual ng mga contributions ng mga miyembro.
Ibig sabihin lahat ay maisasama at maaaring makuha ang adjustment bago matapos ang 2015.
Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.