Amalia binabawi kay Albert ang milyones na ibinigay kay Liezl
NAGULAT ako sa latest revelations ng mahal nating movie queen na si Ms. Amalia Fuentes sa kaniyang FB account. Ito yung tungkol sa pagbawi niya ng P2 million na ibinigay daw niya sa namayapang anak na si Ms. Liezl Sumilang-Martinez.
Tita Nena (as we fondly call her) demands the money back na ibinigay niya in Manager’s Check form. Akala namin ay iyon lang ang laman ng pasabog niya – meron pa pala itong karugtong. She mentioned in her statement na hiningan din daw siya ni kaibigang Albert Martinez ng milyong-milyong halaga na sa pagkaintindi namin ay hindi naman siya pumayag. At mukhang marami pa siyang revelations dahil halatang galit na galit talaga si Ms. Amalia.
Nalungkot kaming bigla dahil siyempre, fresh pa kasi ang pagpanaw ni Liezl. Kumbaga, instead na matahimik ang kaniyang kaluluwa ay nagwa-wander for sure ito dala ng kaguluhan sa kaniyang pamilya dito sa lupa. Warring ang kaniyang Martinez family with her own mom kaya mahirap talaga ang situwasyong ito.
Albert hasn’t said his piece yet on this – tahimik lang si Little (palayaw ni Albert) and meron akong feeling na hindi ito sasagot. But my fear is on their eldest daughter Alyanna na lumalaban daw talaga sa kaniya lola Nena. Basta ako, pareho kong love sina Tita Nena and Little. Mahirap yatang mag-opinyon pag pareho mong love ang magkatampuhan, di ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.