‘8 taon akong nag-ofw, dumanas din ng gutom at pang-aalipusta!’
NA-FEATURE si Nora Aunor sa Pinoy Weekly Online matapos magsalita sa rally ng Migrante International sa Mendiola recently. In the article written by Yanni Fernan, ate Guy admitted na naging caregiver siya sa US.
Kaya meron siyang kara-patang sumali sa “Resign P-Noy” movement. “Walong taon po akong naging migrante. Naghirap din ako sa Amerika. Dumanas din po ako ng gutom at pang-aalipusta.
Hindi rin po bago sa akin ang pagiging mahirap. “Kaya mahal ko po ang mga migrante, at hindi lamang dahil sa isinabuhay ko si Flor Contemplacion sa pelikula.
Na-ging caregiver din po ako, at minsan ay inalagaan ko pa po nang libre ang matanda at naghihirap nang si Sajid Khan, isang Indianong aktor, na naka-love team ko sa pelikula noong kami’y mga bata pa.
“Tapos, noong may boses pa po ako at nagkokonsiyerto sa iba’t ibang bansa, nalalantad ako sa katayuan ng mga kababayan natin doon.
Kita rin naman po na sa kaso ni Flor Contemplacion, hindi niya daranasin ang kamatayan kung hindi nagpabaya ang ating gobyerno,” sabi ni Ate Guy sa interview.
Umani ng papuri si ate Guy sa naturang panayam. “Truly the People’s National Artist! And now your advocacy is already beyond your Artistry. nationalistic na!
We are proud of you our dear NA! You have our prayers and support you every way….yesterday, today, tomorrow and forever! I love you more Ate guy!”
“Yan ang artist na palaban kung kinakailangan. tama ka ate guy ipaglaban mo ang karapatan mo na ibahagi ang nakakasukang pamumuno ng isang hindi karapatdapat na maging pangulo ng pilipinas at sang-ayon ako sa ipinaglalaban mo.”
“Matatag, matapang, ma-kabuluhan. A woman of courage, Nora Aunor!” “Kailanman nag-iisa ka.. at nangunguna sa lahat ng bagay …! hindi mu iniisip kung makakasama ba ang iyong gagawin sa estado mo bilang artista .. kundi ang mahalaga sa iyo ay magawa mo ang nais mo para sa kapakanan ng lahat… AGAIN, YOU’RE DOING IT YOUR OWN WAY..! MABUHAY KA, BELOVED.”
Tama. Nora is indeed one of a kind. She will never be EQUALLED!!! Meron siyang tapang na hinding-hindi makikita kailanman sa ibang mga artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.