Boy kay Willie: Nakikita kong masaya siya talaga! | Bandera

Boy kay Willie: Nakikita kong masaya siya talaga!

Julie Bonifacio - March 21, 2015 - 02:00 AM

boy abunda
Happy meeting ang descripition ng King of Talk na si Boy Abunda sa aksidenteng pagkikita nila ni Willie Revillame sa isang sosyal na mall sa Pasig City. They’ve been good friends naman daw kahit hindi sila madalas magkita.

“Maikling panahon ang ginugol namin sa isa’t isa. It was a very, very fleeting short meeting. It was genuine. It was meaningful. It was a happy meeting of two old friends.

Remember kami ni Willie ay magkaibigan noong kami ay nakikipagsapalaran, oo. We are good friends,” kwento ni Kuya Boy.
Mukhang masaya raw sa buhay si Willie noong makita niya, “Wala akong naramdamang kakaiba sa kanya.

Ang nararamdaman ko is masaya si Willie. And this comes genuinely ha, from my heart, he was very happy when I saw him,” pagkukumpirma pa niya.

And then, inimbita siya ni Willie na pumunta sa kanyang hotel sa Tagaytay, “Oo naman,” sagot niya raw kay Willie. “Sabi ko nga, may bahay din ako doon.

It’s not very far from my his place. Sabi niya, dalaw ka naman. And it was a genuine invitation. I will find time. Pero hindi rin ako magsisinungaling, ‘yung bahay ko nga sa Tagaytay hindi ko na napupuntahan in three months.

But you know, I look forward to visiting his hotel one time.” Plano ni Kuya Boy na magbakasyon at magbyahe this year. Apat na trips abroad ang plano niya this year. Last January ay nakaisa na siya sa apat na trips na gusto niyang gawin.

Nagpunta siya sa Canada kasama ang kanyang long-time partner na si Bong Quintana plus his sister, si Mayor Fe Abunda. After Canada, pupunta siya sa Inchon, South Korea next month.

Gusto raw niyang makita ang cherry blossoms sa Korea gaya ng nakita niya sa Japan. Bandang August naman ay may Alaskan cruise sila and sometime at the end of the year, sa Turkey naman siya magbabakasyon.

One of the best places raw ang Turkey kasi sa magkabilang side lang ang Asia at Europe. Syempre, tinanong din namin si Kuya Boy kung inaayos ba niya na magkabati na nang tuluyan ang mga dalawang malalapit sa puso niya na sina Ai Ai delas Alas at Kris Aquino.

“Tough, you know. Hindi naman ako magsisinungaling at sasabihin, pareho naman sila, e. At si Kris at si Ai Ai, both verbalized in the past na ayaw nilang naiipit ako.

Kasi tahimik ako, hindi ako nagsasalita. Hindi nagpapa-interview. Hindi ako nagsasabi kung sino ang tama. Totoo ‘yun,” diin niya.“I’m very careful with the words that I say. Dahil, maraming dahilan.

May mga bagay na hindi ako magkukunwari na alam ko kasi iisa lang naman ang intensyon ko sa buhay, (sana) magkayos. Wala naman talagang problema na hindi naaayos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Having said that I continue to pray na sana ay maayos na talaga,” dasal pa niya. Ang possible raw sa kanya ay i-maintain ang friendship niya sa dalawa in the midst of the “tampuhan” nina Kris at Ai Ai na kahit sabihing nagbeso at nag-usap na nga noon sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ay parang hindi pa rin talaga naaayos ang tunay na gusot.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending