Makapag-aabroad na ba sa Dubai? (2) | Bandera

Makapag-aabroad na ba sa Dubai? (2)

Joseph Greenfield - March 21, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Jelaie ng Castellano, Calatraba, 

Negros Occidental
Problema:
1. Nag-aaplay ako sa kasalukuyan sa abroad at nasa office na ng agency ang mga papeles ko pina-process na raw sa tulong ng pinsan ko na nasa Dubai na isa ring D.H. Sa ngayon mag-isang buwan na ko naghihintay, pero wala pa rin silang tawag. Nag-follow-up na rin ako sa office nila malapit na raw, wag daw akong mainip.
2. Itatanong ko sana Sir Greenfield kung matutuloy na kaya ako sa pangalawang subok ko na ito na makapag-abroad? Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan upang maiahon ko sa kahirapan ang aming pamilya? September 10, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Jelaie ng Negros
Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ay nagsasabing sa buwan ng Abril hanggang Mayo, tiyak ang magaganap, tatawagan ka na ng agency na pinag-aplyan mo upang ihanda ang iyong sarili sa nalalapit mong pag-aabroad sa Dubai.

Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing sa umpisa, medyo mahihirapan ka sa iyong trabaho, pero pag lipas ng isa o dalawang buwan, madali na sa iyo ang trabaho at sa panahong iyon, dahil nakapagtiis ka ng isa o dalawang buwan, tuloy-tuloy ka ng susuwertehin sa abroad.
Luscher Color Test:
Basta’t lagi ka lang magsusuot ng kulay na dilaw, gray at berde, tulad ng nasabi na pagpasok na pagpasok ng buwan ng Abril tuloy-tuloy ka ng susuwertehin at habang umuusad ang panahon, lalo pang gaganda ang iyong kapalaran sa pangingibang bansa.

Huling payo at paalala:
Jelai ayon sa iyong kapalaran, walang duda, bigla kang tatawagan ng agency mo sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo kung saan, sa edad mong 27 pataas makapag-aabroad ka sa Dubai at ang nasabing pangingibang bansa, ang siya na ring magiging simula ng iyong malaking suwerte, hanggang sa maiahon mo sa kahirapan ang inyong pamilya, kasabay nito ang iyong kabuhayan ay tuloy-tuloy na ring sasagana at uunlad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending