Iya Villania, Drew Arellano nag-away dahil lang sa sabon | Bandera

Iya Villania, Drew Arellano nag-away dahil lang sa sabon

Ervin Santiago - March 21, 2015 - 02:00 AM


drew arellano
UMAMIN si Iya Villania na nag-aaway at nagkakatampuhan din sila ni Drew Arellano – pero puro pa-cute lang daw ang kanilang mga away.

Nakachika namin ang TV host-actress sa pocket presscon ng bagong travel show ng GMA, ang Mundo Ni Juan, at naikuwento nga niya ang ilang mga bagong challenges sa buhay niya bilang asawa ni Drew Arellano na kasama na nga niya ngayon sa bakuran ng GMA 7.

Sey ni Iya, wala naman daw major-major adjustments sa pagsasama nila ni Drew as married couple. Narito ang ilan sa mga nai-share ni Iya tungkol sa pagiging misis ni Drew Arellano.

Kumusta ang buhay may asawa? “Ang buhay ko ngayon ay sobrang saya! Hindi ba halata! Ha-hahaha! Mukha naman akong happy, di ba?”

May mga adjustments pa ba considering na ilang taon na rin kayong magkarelasyon? “Nothing major, kung meron man, sobrang fun adjustments.

More than a year na kaming kasal pero feel na feel ko pa rin yung excitement, looking forward pa rin ako sa mga bagay na pwede naming gawin as a married couple.”

“Our first year as a couple, it’s sobrang exciting. Actually, hanggang ngayon every day nandu’n yung excitement. Imagine, 10 years na kaming magkasama pero nandu’n pa rin yung spark.

Hindi kami nag-live in, marami kaming hindi nagawa noon na nagagawa ng ibang couples. So, now that we’re married, it’s a new level naman, a whole new world.”

May na-discover pa ba kayo sa isa’t isa? “Alam mo hirap na hirap akong sagutin yan, kasi, siguro dahil matagal na kaming magkakilala. For example sa bahay niya, mag-isa lang kasi siya, walang maid, siya lang ang gumagawa lahat.

So kapag nagpupunta ako du’n, sanay na akong makita siyang namumuhay mag-isa. So hindi na ako nagulat when we get married.

“May mga small things lang na pinagtatalunan namin minsan, like yung iniiwan niyang bukas lang ang toothpaste, or yung tsinelas niya kung saan-saan ko nakikita, yung kape niya naiiwan niya sa CR. Mga ganu’n.”

Nag-away na ba kayo? “Nothing major-major. Ha-hahaha! But actually, recently meron, pero nakakatawa lang siya – tungkol sa sabon. Actually meron kaming sabon talaga na ginagamit, para sa aming dalawa.

Pero nu’ng time na ‘yun meron akong nilagay na ibang sabon kasi medyo matagal na siya, so sayang naman kung ita-tapon ko. So iyon yung nilagay ko sa CR para magamit na.

“Oh my goodness! Nagwala talaga siya. Ha-hahaha! Buong-buo pa yung bar soap ha, pero pinakukuha niya sa akin yung dating sabon namin, E, sa akin naman, nandiyan na yan, e, yan na ang gamitin mo.

Tapos sabi niya, ‘Ayokong gamitin ‘yan, ikuha mo ko nu’ng isa!’ Ha-hahaha! As in tawang-tawa ko!  “Talagang lalabas na siya ng shower para kunin lang yung sabon, e, nasa labas pa yung lalagyan, so kung lalabas pa siya ng shower, magbabasa lang siya sa paligid, it will be a mess.

So, alam mo yun? Laugh lang ako nang laugh sa kanya. Tapos sabi pa niya, ‘Bakit mo ba ako pini-pilit na gamitin ang sabon na ‘to?’ Sabi ko sa kanya, ‘Bakit ka ba nagagalit, e, sabon lang ‘yan! Meron pa siyang, ‘I want a divorce!’ Ha-hahaha!”

“I’m sure, yan na ang title ng article mo, ‘Iya at Drew nag-away dahil lang sa sabon!’ Ha-hahaha!” So, mga petty quarrel lang ang nagiging issue nila? “Oo, nga ganu’n lang.

And one more thing, kapag iniiwan niya ang mga ginamit niya sa kitchen kapag nagluto siya or kumain. Siyempre pagdating ko sa bahay from work, madadatnan ko, siyempre maloloka ka! E, ako naman hindi ako makakatulog na may maruming gamit sa kitchen, hindi ko matitiis yun, kasi iniisip ko baka paggising ko may mga ipis na sa bahay!”

“But I guess, it’s just part of it, nakatulong yung matagal na naming kilala ang isa’t isa kaya tanggap na rin namin yung mga ganu’ng kakulangan namin as individuals.

We know how to go about these conflicts. Ang sasabihin ko na lang sa paggising niya, ‘Honey, I love you, but remember to wash your mess. Ganu’n lang, so wala pa talagang away na away talaga.”

“Ang maganda kay Drew, nagso-sorry naman siya, alam naman niya kung ano ‘yung nagawa niyang sablay.” Tungkol naman sa baby, isang taon na silang nagsasama, kailan niya balak magbuntis? “Ang balak ko talaga mid of next year, yun lang naman ang plan ko, pero baka iba ang plano ni God.

Payag naman si Drew sa plan ko, kasi we’re both enjoying pa our things together. Marami kasi kaming sinave until we got married. But of course, kung mapaaga, it will be a blessing, a happy accident.

Mas okay na rin yun kesa mahirapan ako in the future.”  May balak din ba siyang magteleserye ngayong nasa GMA na uli siya? “You know what, pwede naman, pero hindi ko pa talaga sineseryoso ang magdrama.

Kasi iyakin ako, e. at alam ko ‘yung feeling ng ganu’n, masakit. Ayokong maapektuhan sa role na gagampanan ko. Kaya hangga’t maaari ayokong magdrama.

Kaya nga nagko-concentrate na lang muna ako sa hosting. But I want to try acting ulit, pero parang natanggap ko na, baka hindi talaga para sa akin ang acting.”

Kung magkakaroon daw sila ng offer from GMA na magsama sa isang proyekto, mas gusto niya raw yung light lang, “Yes, we also talk about the possibility of working together, pero hindi naman umaasa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But if GMA considers giving Drew and I a show, that would be great. Pero siguro mas okay kung gagawa kami ng show that we both would want to do, something like reality or hosting together.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending