Nawalan na ng gana kay misis (2) | Bandera

Nawalan na ng gana kay misis (2)

Joseph Greenfield - March 19, 2015 - 01:38 PM

Sulat mula kay Jhun Magsaysay St.,  Miputak, Dipolog City

Problema:
1. Matagal akong naging OFW sa abroad almost 9 years at sa aking pagbabalik, nagtataka ako kung bakit mabilis tumanda at pumangit ang misis ko, kaya ng magtalik kami, parang nawalan na ako ng gana sa kanya. Wala naman akong ibang babae, pero ang inaalala ko lang baka matuto na akong mambabae nito lalo panga’t hindi na ako ginaganahan pa sa aking asawa.
2. Pero ayaw ko namang magkasala, itatanong ko lang kung babalik pa kaya ang dating sigla ng pagtatalik naming mag-asawa? At kung kami na ba ang magsasama habang buhay, ayaw ko kasing masira ang aking pamilya? October 7, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Jhun ng Dipolog City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag gumamit kayo ng ilaw na kulay pula sa inyong silid, tiyak ang magaganap, gaganahan kang muli sa pakikipagtalik sa iyong misis.

Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing pansamantala lang ang kawalang gana sa sex sa iyong misis, dahil pagdating ng ika-limang ng buwan ng taong ito ng 2015, tulad ng nasabi na, muling babalik ang dating sigla mo kay misis.

Graphology:
Upang lalo pang sumulak ang iyong libido, buhayin mo ang “bilog na buntot” ng letrang “g” sa iyong lagda. Sa ganyang pirma, buhay at may malaking bilog ang pinaka-buntot ng letrang “g” tuloy-tuloy ka na uling lilibugin kay misis.
Huling payo at paalala:
Jhun ayon sa iyong kapalaran, temporary impotency lang ang nararanasan mo sa kasalukuyan, dala ng mahabang panahong nawala ka sa piling ng iyong asawa. Pero sa malapit na hinaharap, siguradong muling iinit ang inyong sexual life sa susunod na mga buwan. Dagdag dito, ano’t-anoman ang mangyari, tulad ng nasabi na, tandaang mananatili paring buo at maligaya ang inyong pamilya, sapagkat ayon sa iyong kapalaran, kayo na nga ni misis ang itinakdang magsama habang buhay, mawalan man o manatili man ang libog mo sa iyong asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending