Mga pinoy nag-aaway-away na dahil kay LADY GAGA | Bandera

Mga pinoy nag-aaway-away na dahil kay LADY GAGA

- May 23, 2012 - 04:23 PM

Isa na nga bang gawain ng ‘Satanista’ ang nagaganap sa Pilipinas?

NU’NG isang gabi ay napakarami raw nanood sa The Arena sa SM Mall of Asia kung saan ginanap ang first day ng concert ni Lady Gaga.

Kung wala namang magiging problema, tuloy pa rin ang second night ng show ng music icon.
Nu’ng malaman ng mga Pinoy that Lady Gaga was performing here as part of her world tour ay napakarami ang nagprotesta.

Isa sa mga dahilan ay ang diumano’y Satanic song nito na ikinatatakot ng producers na baka maging sanhi ng pagkansela ng show ng international star.

Hindi  alam ng producers kung paano kukumbinsihin si Lady Gaga to skip the song.

Pero best effort na lang daw sila kasi nga baka mag-back-out naman ang singer kapag inutusan siyang tanggalin ang song na iyon sa kanyang repertoire.

Knowing artists’ moods, di ba? Hollywood star pa naman kaya hindi ganoon kadali.

Anyway, bongga talaga si Lady Gaga. Alam n’yo bang mismong ang US Embassy officials dito sa atin ang personal na nakipag-usap kay Pasay Mayor Calixto to extend full security measures para kay Lady Gaga sa kanyang buong stay sa Pilipinas?

Walang magawa ang alkalde ng Pasay kundi ang pagbigyan ang kahilingang ito ng nasabing embahada.

“Yes, the mayor has requested full security measures for Lady Gaga.

Request kasi ng US Embassy kaya kailangang pagbigyan.

Maliban sa security provided by its producers talagang nagdagdag ng security police for her dahil nga sa banta mula sa mga moralista dito sa atin.

They just want their artist safe and that’s a normal thing,” anang source natin.

“Hindi ko rin maintindihan ang ilan sa mga kababayan natin.

Lahat na lang ng bagay ay pinakikialaman at sineseryoso.

Just like many of us rin, may kanya-kanya tayong paniniwala at opinyon na kailangang respetuhin, di ba?

Kung ayaw nila sa paniniwala nito, di huwag silang manood.

“Kahit sinasabi nilang Satanic ang mensahe sa song na iyon, nasa tao na iyon kung paniniwalaan nila si Lady Gaga.

Wala ba silang tiwala sa mga Pinoy?

That only means na loose ang puso ng mga Pinoy para basta-basta na lang padadala sa demonic message ng isang song ni Lady Gaga.

“Kaya bakit hindi na lang siya pabayaang mag-perform dito, bakit kailangang mag-rally against her?

That’s her freedom of expression, ‘no!

She is not hitting our government, it’s a song na universally released and heard,” anang isang fanatic ni Lady Gaga.

“We are a devoted Catholic country and must not be alluded to believing Satanic messages tulad ng nakapaloob sa isang kanta ng babaeng iyan.

We don’t have a control as to who are watching her in her shows here.

Maraming mga kabataan diyan na dapat nating pakaingatan sa mga masasamang beliefs.

Dahil malaking pangalan si Lady Gaga, she has so much influence to the young.

“Kung papayagan natin siyang magpalaganap ng mga makademonyong paniniwala, ano ang mangyayari sa mga anak natin, ang maging kasing-Satanic niya?

Kaya kami nagra-rally ay dahil sa mga demonic song niya.

Iyon lang. Other than that, she can do whatever pleases her,” anang isang moralista.

Parehong may punto ang dalawang kampo. Pumagitna na lang tayo at pakinggan ang kanilang mga depensa.

Huwag lang sana masyadong maging OA ang mga moralista dito sa atin, they may lay their cards on the table – huwag lang as if nakapasok na si Satanas sa bansa.

Alam n’yo naman ang ilang mga OA nating kababayan, di ba? Palagi na lang sila ang tama – na parang sila lang ang may susi sa kaharian ng Diyos. Ha-hahaha!

“Hindi na nanood si Mayor Calixto.

Nandoon lang siya sa Sofitel at nagmo-monitor closely through his staff.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakipag-meeting na lang siya with some businessmen,” anang source natin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending