SINABI kahapon ni superstar Nora Aunor na hindi dapat nahalal si Pangulong Aquono bilang pangulo ng Pilipinas sa harap naman ng sunod-sunod na kapalpakan, partikular ang pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).
“He should not have been elected president,” sabi ni Aunor matapos lumahok sa protesta para gunitain ang ika-20 anibersaryo ng pagkamatay ng domestic helper na si Flor Contemplacion na binitay sa Singapore dahil sa kasong murder noong 1995.
Nanawagan din si Aunor na magbitiw na si Aquino.
“What’s important to me is the blatant mistakes in his decisions that’s why I would really like for him to step down,” dagdag ni Aunor.
Nakasuot si Aunor ng itim na t-shirt na nakasulat ang “Proud to Be Filipino, Ashamed of my Government.”
“I think this government is more repressive than others. Because he (Aquino) is not doing anything. I think he does not know what is happening. He should not have been elected president,” dagdag pa ni Aunor.
Ayon pa kay Aunor, nagmula sa kanyang puso ang panawagang magbitiw na si Aquino.
“I am not afraid. Whenever I talk, it always comes from the heart,” giit ni Aunor.
Si Aunor ang gumanap bilang Contemplacion sa pelikulang The Flor Contemplacion Story.
Nanawagan din si Aunor sa mga kapwa Pilipino na sumama sa mga panawagan na bumaba na sa puwesto si Aquino.
“I am urging the people who believe that the President is not doing anything beneficial for the country to go out and urge the President to resign,” aniya.
Matatandaang ibinasura ni Aquino ang nominasyon ni Aunor bilang National Artist noong 2014 dahil umano sa pagkakasangkot sa isyu ng droga.
Photo: Migrante International
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.