Talk ‘N Text itataya ang pangunguna vs Purefoods | Bandera

Talk ‘N Text itataya ang pangunguna vs Purefoods

Barry Pascua - March 14, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Davao City)
5 p.m. Talk ‘N Text vs Purefoods

PILIT na pananatiliin ng Talk ‘N Text ang pangunguna sa sagupaan nila ng nagtatanggol na kampeong Purefoods Star sa Petron out-of-town game ng 2015 PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5 ng hapon sa University of Southeastern Philippines sa Davao City.

Ang Tropang Texters at Hotshots ay kapwa nakabawi sa mga pagkatalo at nagwagi sa kanilang huling laro bago nagkaroon ng break ang torneo upang bigyang daan ang pagsasagawa ng 2015 PBA All-Star Weekend sa Puerto Princesa, Palawan.

Ipinaghiganti ng Talk ‘N Text ang 106-103 kabiguan sa Kia Carnival nang pataubin nito ang Globalport, 96-88, noong Marso 1 upang makuha ang unang puwesto sa record na 6-2. Sa araw ding iyon ay dinaig ng Purefoods Star ang San Miguel Beer sa overtime, 113-105, upang mapatid ang three-game losing skid at umangat sa 5-3.

Kapwa hangad ng Talk ‘N Text at Purefoods Star na matapos ang elims nang nasa unang dalawang puwesto upang magkamit ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang Tropang Texters ay pamumunuan ni Ivan Johnson na susuportahan nina Jason Castro, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier at rookies Kevin Alas at Matt Ganuelas Rosser.

Makakatapat ni Johnson ang dating Best Import na si Denzel Bowles na siyang ikatlong import ng Hotshots pagkatapos nina Marqus Blakely at Daniel Orton.

Nakabalik na rin sa active duty ang two-time Most Valuable Player na si James Yap na siyang nagbida sa laro kontra Beermen kung saan gumawa siya ng walo sa kanyang 15 puntos sa overtime.

Ang iba pang inaasahang bubuhat sa Purefoods Star ay sina Marc Pingris, Mark Barroca, Peter June Simon, Joe Devance at Justin Melton.

Magbabalik ang aksyon bukas sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kung saan maghaharap ang Globalport at NLEX sa ganap na alas-3 ng hapon at ang Rain or Shine kontra Barangay Ginebra sa ganap na alas-5:15 ng hapon.

Samantala, tinambakan ng Meralco Bolts ang Barako Bull Energy, 98-85, sa kanilang PBA game kahapon sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gumawa si Josh Davis ng 32 puntos para pamunuan ang Bolts na umangat sa 6-2 kartada.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending