Kalat na: Pacman sigurado nang mapapatumba si Floyd Mayweather | Bandera

Kalat na: Pacman sigurado nang mapapatumba si Floyd Mayweather

Jobert Sucaldito - March 14, 2015 - 03:00 AM

FLOYD MAYWEATHER AT  MANNY PACQUIAO

FLOYD MAYWEATHER AT MANNY PACQUIAO

GRABE pala talaga ang mafia sa mundo ng sports most especially itong most-awaited Manny Pacquiao-Floyd Mayweather bout na gaganapin sa May 2 sa Las Vegas.

Nag-leak na from some very reliable sources na ibibigay daw kay Manny ang laban on these Mayweather conditions: 1) He gets 60% of the earnings; 2) He gets all the tickets up for sale.

Ngayon daw ay wala ng tickets na makuha si Pacquiao and his camp dahil nabili na raw lahat ni Mayweather – at hindi pala totoong US$5,000 ang pinakamahal na ticket – tumataginting na US$52,000 pala ito na tumaas pa ngayon to US57,000. (Check it online). In short, just for the money ay pumayag nang matalo si Mayweather – ang laki ng kita niya rito dahil since siya ang may hawak ng tickets ay puwede pa niya itong pagkakitaan. Grabe nga raw ang bentahan ngayon, even the richest of the richest sa US ay wala nang mabiling tickets – they have to get them from Mayweather’s camp.

“But definitely may rematch ito at doon na mananalo si Mayweather. Kaya kung napansin ninyo, kampante si Pacquiao ngayon, maniwala kayo sa akin. Iyan ang first-hand report na nakalap ko from the people in the know,” sabi ng source nating hindi ko muna papangalanan.

Kaya sobrang saya ng kampo ni Pacquiao dahil sure na siya sa pagkapanalo kahit pa sabihing he gets less in terms of prize money. Iyon daw kasi ang deal at kailangang ibigay kay Mayweather ang demands nito para matuloy lang ang laban. Sounds funny pero that’s the truth daw. Kaya puwede na raw kayo pumusta kay Pacquiao at tiyak na ang panalo ninyo.

“Paano kung hindi na lumaban ulit si Pacquiao sa rematch? Masisira si Mayweather sa plano niyang ‘yan,” tanong ng isang sport enthusiast.

“Hindi puwedeng hindi pumayag si Pacquiao sa rematch kung saan si Mayweather naman ang mananalo. Usapan na iyon at hindi siya puwedeng sumira sa usapan. Puwede siyang ipapatay ng mafia. Hindi siya puwedeng magtago sa grupo – negosyo ito.

“Marami nang malalaking celebrities ang namatay in the past dahil sa mafia na humahawak sa kanila. Madali namang palabasing iba ang dahilan ng pagkamatay nila eh, pero ang totoo noon ay pinatay sila. Puro billionaires ang kasali sa mafia na iyan,” sabi pa ng source natin.

Sige nga, hintayin na lang natin ang magiging resulta ng labanang ito. Pag totoong si Pacquiao ang nanalo sa May 2, masasabi nating hindi nagsisinungaling ang source natin. Pero ang tiyak lang ngayon, nag-swing pataas ang room rates ng mga hotel sa Las Vegas – sobrang mahal ang mga hotel at kahit may pera ka pa, wala ka na halos makuhang reservations. Ganoon katindi ang labanang ito. Kasi nga, inaabangan talaga ito. As in, grabe!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending