Tili ni Angelica: mas masakit manampal si Jodi kesa kina Cherie Gil at Maricel | Bandera

Tili ni Angelica: mas masakit manampal si Jodi kesa kina Cherie Gil at Maricel

Ervin Santiago - March 14, 2015 - 03:00 AM

ANGELICA PANGANIBAN AT JODI  STA. MARIA

ANGELICA PANGANIBAN AT JODI STA. MARIA

GAME na game sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban sa totohanang sampalan. Walang problema sa dalawang Kapamilya actress kung magkasakitan man sila sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

Ang tinutukoy namin ay ang remake ng classic TV series na Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa mga role noon nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Sina Jodi at Angelica naman ang gaganap sa iconic role nina Eula Valdez (as Amor Powers) at Jean Garcia (bilang Claudia Buenavista).

Sa interview ng ABS-CBN kay Jodi, na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pag-aalaga sa boyfriend niyang si Jolo Revilla, handang-handa na raw siyang sumabak muli sa pagtatrabaho.

Si Jodi ang gaganap na nanay ni Kathryn sa Pangako Sa ‘Yo at magiging mortal na kalaban ni Angelica. Nabatid na sa teaser pa lang ng serye ay naging mainit na ang eksena nina Jodi at Angelica, lalo na ang kanilang sampalan.

Sey ni Angelica, “Nasampal na ako ni Cherie Gil, ni Maricel (Soriano) pero nu’ng sinampal niya (Jodi) ako, ang sakit nu’n ha!”

Hirit naman ni Jodi, “When we were shooting the teaser, grabe ‘yun agad. Ang feeling namin ay first scene, love scene, ganoon ka-awkward.”

Parehong pumayag ang dalawang aktres na huwag dayain ang mga sampalan at sabunutan nila sa serye, “Kasi parang ‘di naha-happy ang mga direktor kapag kontrolado. Gusto nila palagi bigay na bigay,” ani Jodi.

Sey naman ng dyowa n John Lloyd Cruz, “Naniniwala kami sa trabaho namin. At saka mas gusto ko ‘yon bilang artista kung talagang sinasaktan ka, hindi ba? Mas matutulungan ka talaga.”

Samantala, hiningan din ng reaksiyon si Angelica sa pagpayag ni Lloydie na magpakalbo para sa bago nitong pelikula,

“Malinaw naman yon na si John Lloyd ay gagawin niya lahat para sa craft niya.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tsaka hindi naman secret ‘yon sa aming dalawa alam ko naman na mangyayari ‘yon. Pero sabi ko nga, hindi na siguro magbabago ang paningin ko sa kanya. ‘Di naman porke long hair o kalbo ay mababasawan ang paningin mo sa partner mo,” paniguro ng award-winning actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending