Mga bossing ng ABS-CBN nabwisit daw sa pamilya nina Alex at Toni | Bandera

Mga bossing ng ABS-CBN nabwisit daw sa pamilya nina Alex at Toni

Jobert Sucaldito - March 13, 2015 - 03:00 AM

ALEX GONZAGA

ALEX GONZAGA

MARAMI kaming alingasngas na narinig regarding the forthcoming concert ni Alex Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

Ang daming sitsit na nakakaloka – some are nakakabuwisit dahil sobrang bilib nga ang Gonzaga clan na kayang punuin nitong sipunin pa sa music industry na si Alex.

Why sipunin? Kasi hindi naman siya legitimate singer eh, porke may portion lang na Karaoke etchos sa ASAP, akala nila ay barometro na ito para mapuno niya ang Big Dome? Nananaginip ba sila?

“Kaya naman nilang punuin ang Araneta actually dahil magkano lang naman ang magagastos ng Mommy Pinty niya to buy all the tickets at ipamudmod sa mga taga-Taytay tulad ng ginawa nila sa SM MOA Arena nu’ng mag-show si Toni.

“Naku, huwag nilang i-deny na napakaraming biniling tickets ni Mommy Pinty para tauhin lang ang show ni Toni sa MOA Arena. Mamatay na ang nagsisinungaling. May iba akong friends na nakatanggap ng free tickets ni Toni, ‘no. Considering na mas sikat naman si Toni kaysa kay Alex – and in fairness ay merong slightly hit single siya sa kaniyang album.

“What more itong pinaka-wrong move nilang tanggapin ang challenge na makapag-concert ang non-singer nilang anak na si Alex sa Araneta. Kaloka! Ang lakas ng mga loob. Hindi man lang kinabahan. Baka hindi nagkakape ang mga ito kaya walang nerbiyos na naramdaman,” pagtataray ng aming kausap.

“Siyempre, mas doble ang dapat nilang gawing effort para mapuno ang Araneta – in short, tripleng gastos ang dapat ihanda ni Pinty Gonzaga huwag lang mapahiya ang anak na nag-iilusyon. Wala nga silang kaba, di ba? Ang idinadahilan nila ay in-offer lang naman daw ng producer na si Joed Serrano kay Alex ang said show sa Araneta kaya hindi sila nakatanggi dahil maganda raw ang concept. Ha-hahahaha!

“Kung talagang hindi sila ilusyunado’t kalahati, sana tumanggi man lang sila nang konti. Puwede naman silang mag-show muna sa Music Museum o di kaya sa Music Box. At least parehong may Music and simula ng names ng venues, di ba? Hindi yung Araneta agad-agad na parang may yabang factor na. Hasus!” pagtataray pa ng isang kaibigang writer na sinisegundahan naman namin dahil tama naman ang point niya, di ba?

Puwede namang mag-show talaga si Alex or anyone for that matter pero sana yung within their capability lang.

Basta kami ay nakamasid lang – tingnan nga natin kung mapupuno nila ang Araneta, unless nga ipamimigay nila ang tickets sa mga taga-Taytay, Rizal kung saan vice-mayor ang ama nilang si Carlitos. Sige nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending