Ateneo lumapit sa UAAP women’s volley crown | Bandera

Ateneo lumapit sa UAAP women’s volley crown

Melvin Sarangay - , March 12, 2015 - 12:00 PM

NAPANATILI ng Ateneo de Manila University ang malinis na kartada matapos nilang bokyain ang De La Salle University sa Game One ng UAAP Season 77 women’s volleyball finals, 25-18, 25-19, 25-19, kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang Lady Eagles, na hawak ang thrice-to-beat bentahe sa kampeonato, ay nangangailangan na lamang ng isang panalo para mauwi ang ikalawang sunod na UAAP volleyball crown.

Ang Game Two ng finals ay gaganapin sa Sabado sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bunga ng panalo sa opener ng finals, ang Lady Eagles ay nanatiling walang talo sa 15 laro.

Pinamunuan ni Alyssa Valdez sa Ateneo sa ginawang 25 puntos sa Game One kung saan ang kanyang mga atake sa net ay bumutas sa depensa ng  La Salle. Si Bev Morente ay nag-ambag ng walong puntos para suportahan si Valdez.

“I just tell them ‘if you play happy you can win,’” sabi ni Ateneo head coach Tai Bundit na natuwa na nasunod ng kanyang koponan ang kanilang game plan.

Pinangunahan ni Cyd Demecillo ang La Salle sa ginawang 10 puntos.

Hindi nakapaglaro para sa La Salle ang team captain at leading scorer nitong si Ara Galang na nagkaroon ng ACL and MCL tear sa kanyang kaliwang tuhod.

Nadagdagan pa ang kamalasan ng Lady Spikers matapos na si Camille Cruz ay magkaroon ng injury sa kanyang kanang tuhod sa ikatlong set.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending