5 baguhan sasandalan ng Keramix Mixers sa PBA D-League | Bandera

5 baguhan sasandalan ng Keramix Mixers sa PBA D-League

Mike Lee - March 12, 2015 - 12:00 PM

HANDANG bumangon ang Keramix Mixers mula sa di magandang ipinakita noong nakaraang taon sa tulong ng limang baguhan ngunit mahuhusay na manlalaro sa 2015 PBA D-League Foundation Cup.

Dating pangalan ng koponan ay Racal Motors ngunit nagkaroon lamang sila ng tatlong panalo sa 11 laro para mapatalsik agad sa Aspirants’ Cup.

“We have five new talented players at ang maganda ngayon ay mahigit na one month na kaming naghahanda kaya may chemistry ang team,” wika ni coach Caloy Garcia.

Ang dating Bread Story guard na si Jiovanni Jalalon na kabilang sa kinuha ni national coach Tab Baldwin para sa training pool sa SEABA, ay sasamahan nina Luis Cinco, Billy  Robles, Roberto Bartolo Jr. at Jach Nichols para makipagtulungan sa mga datihan tulad nina Jeff Viernes, Keith Agovida, Jamil Gabawan at Ford Ruaya.

“We have beef up our guards and wing position because we have to be aggressive dahil hindi kami katangkaran. I’m excited with Jalalon dahil kasama siya sa national pool and that means he is a talented player,” ani pa ni Garcia.

Ang koponang pag-aari ni Jojo Racal at gagabayan ni team manager Christopher Retardo ay makikilatis agad laban sa MP Hotel Warriors sa pagsisimula ng liga ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ikalawang laro ito sa doubleheader at magsisimula matapos ang pagtutuos ng bagong koponan na Liver Marin at AMA University Titans sa ganap na ala-1 ng hapon.

Tulad ng Keramix, ang Liver Marin na hawak ng rookie head coach Rodney Santos at kinuha ang serbisyo ng mga San Sebastian players, ay kumbinsido ring mananalo sa unang asignatura.

“Mas beterano ang AMA pero may gut feeling ako na mananalo kami. We will be a run-and-gun team and they can expect us to play very hard in every game,” wika ni Santos na huhugot sa siyam na Baste players sa pangunguna ng mga D-League veterans Jamil Ortuoste, Bradwyn Guinto, Jovit dela Cruz at Leo de Vera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending