Asawa ng pinugutan na OFW sa Saudi ikinagulat ang pagbitay sa kabiyak
IKINAGULAT ng asawa ng Pinoy na pinugutan sa Saudi Arabia na wala na pala ang kanyang kabiyak.
“I just talked to him at 11 a.m. (oras sa Pilipinas) and he never mentioned anything about execution, now he is gone,” sabi ni Nerlyn Otero Esteva, 39, asawa ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Joven Esteva, matapos siyang sabihan ng isang kamag-anak kaugnay ng balita sa telebisyon.
Binitay si Estava ganap na alas-2 ng hapon (alas-9 ng umaga sa Saudi) matapos ang pagpatay sa kanyang employer noong 2007.
“It is so painful, why I was not informed, why it happened so fast, I should have been informed by Philippine authorities,” dagdag ni Nerlyn habang umiiyak at hawak-hawak ang pinakabatang anak. Apat ang anak na naiwan sa kanya na pawang mga lalaki na may edad na 16, 14, 13 at 11.
Idinagdag ni Nerlyn na nakakulong na ang kanyang asawa, na nagsilbi bilang family driver, noon pang 2007 matapos masintensiyahan sa pagpatay sa kanyang employer at tangkang pagpatay sa anak nito.
Ayon kay Nerlyn, nagtrabaho ang kanyang asawa bilang driver ng isang Saudi university professor.
Aniya, maayos ang pakikitungo sa kanyang asawa, hanggat dumanas ito ng insomnia at iba pang problema sa kalusugan.
“He admitted he stabbed to death his employer after an altercation and the employer’s son because he was not allowed to return home then by not providing him money,” ayon pa kay Nerlyn. Sinabi pa ni Nerlyn na sinaksak din ng kanyang asawa ang sarili matapos magtangkang magpakamatay.
Ayon pa kay Nerlyn, ninais pa ng kanyang asawa at abogado ng DFA na papuntahin siya at apat na anak sa Riyadh para kausapin ang pamilya ng biktima.
“I was processing our travel documents until today (Lunes),”sabi ni Nerlyn.
“We appealed every Ramadhan, we sent a letter to the family seeking forgiveness, to no avail,” dagdag pa ni Nerlyn said. Aniya, nagpa-convert pa ang kanyang asawa sa Islam.
Sinabi ni Nerlyn na pumayag ang mga anak ng biktima sa “blood money” ngunit hindi ang asawa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.