Ogie umaming may ‘KARANASAN’ na sa Bading | Bandera

Ogie umaming may ‘KARANASAN’ na sa Bading

Ervin Santiago - March 08, 2015 - 02:00 AM

ogie alcasid
Nakakaloka ang kuwento ni Ogie Alcasid sa presscon ng bago niyang show sa TV5, ang  talent search na Rising Stars kahapon. Tungkol ito sa naging “experience” niya sa isang bading noong kabataan niya.

Ayon sa mister ni Regine Velasquez, may bading daw na nagtangkang manligaw sa kanya noong 21 years old pa lang siya. Nagkasama raw sila noon sa isang eroplano patungo sa isang lugar sa Europe.

Magkakasama pa raw sila noon nina Gabby Concepcion at Ai Ai delas Alas. Tinanong  niya ‘yung beki kung bakit siya ang natipuhan, e, hindi naman daw siya kasing-guwapo ni Gabby.

Chika ni Ogie, talaga raw seryoso ‘yung bading sa kanya dahil tinawagan pa siya nito nu’ng maghiwalay na sila sa eroplano at gusto uling makipagkita sa kanya.

Pero marespeto naman itong hinindian ng singer-comedian. Diretso na nitong sinabi na hindi siya bading. Anyway, excited si Ogie sa Rising Stars ng TV5 dahil kakaibang talent search naman daw ito dahil maraming twists na mangyayari habang nagpapagalingan sa pagkanta ang contestants.

Magsisimula na ito sa March 14, Sabado at Linggo, 9 p.m. Makakasama ni Ogie rito bilang co-host si Venus Raj at si Miko Aytona bilang backstage reporter.

Magsisilbi namang judges ang ex-couple na sina Nina at Jimmy Bondoc, at si Papa Jack. In fairness, bawat contestant ay dadaan din sa matinding training sa pamamagitan ng Center for Pop Music para mas mahasa ang kanilang talent.

Kaya tutok na sa Rising Stars ng TV5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending