Magpapapigil kaya ang mga pulis? | Bandera

Magpapapigil kaya ang mga pulis?

Bella Cariaso - March 08, 2015 - 03:00 AM

NGAYONG araw ay nakatakdang pangunahan ng Philippine National Police Academy (PNPA) Alumni Association ang isang unity work mula Cavite hanggang Quezon City Memorial Circle para naman manawagan pa rin ng hustisya para sa mga pinatay na 44 mga miyembro ng Special Action Force (SAF).

Ang martsa ay inaasahang dadaluhan ng pamilya ng SAF44, at inaasahan din na dadaluhan ito ng iba pang miyembro ng PNP.
Inirereklamo ng mga nag-oorganisa ng unity march ang umano’y tangkang pagpigil sa gagawing pagkilos matapos na ring ipahayag ng tagapagsalita ng PNP na si Chief Supt. Cerbo na kinakailangang humingi ang mga pulis ng permiso sa kanilang mga superior bago makasali sa martsa.

Siyempre kung hindi sila papayagan, hindi sila pwedeng makibahagi sa unity march. May pahayag din ang PNP na nanawagan sa mga pulis na huwag nang makiisa sa unity walk.

Nitong Biyernes, inirereklamo ng mga nag-oorganisa ang desisyon ng NCRPO na bawiin ang permit na naibigay para gagawing pagkilos sa kabila na nauna na silang nabigyan ng permit.

Idinadahilan ng pamunuan ng NCRPO na ito’y ay dahil sa security reasons. Hindi ba’t kayat hindi pinayagan ang mga nagkilos-protesta noong anibersaryo ng EDSA People Power 1 dahil din sa isyu ng seguridad.

Mariing itinanggi naman ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na pinipressure ng Malacañang ang PNP para mapigilan na dumami ang mga dadalo sa unity walk.

Ayon kay Valte, walang kinalaman ang Palasyo sa naging aksyon ng NCRPO na bawiin ang permit na ibinigay para sa mga magmamartsa.

Ano kaya ang ikinakatakot ng gobyerno kung bakit hind mapahintulutan ang unity march? Bagamat maaari nga itong sakyan naman ng mga nananawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino, lehitimo naman ang isinusulong ng pagkilos.

Mahigit 40-araw kasi matapos mapatay ang SAF 44, hustisya pa rin ang isinisigaw ng kani-kanilang pamilya at maging ng mamamayan.

Bukod kasi sa tulong-pinansiyal na ibinibigay ng gobyerno sa pamilya ng SAF 44, mas importante pa rin sa kanila namapanagot ang nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay sa mga commando.

Dismayado ang mga mahal sa buhay ng SAF 44 dahil sa tila lumalabo ang hustisyang kanilang isinisigaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana nga ay mabigyan ng hustisya ang mga SAF 44 at hindi lamang mababaon sa limot ang kanilang pagkakapatay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending