DEAR MANANG,
Ako po si Yen-yen, 18 years old from Rizal. Ask ko lang po bakit ganito ang nararamdaman ko towards sa kaibigan ko pong babae parang po gusto ko siya pero po nag ka BF naman na po ako. Halos 44 years old na po ang BF ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa kaibigan. Hindi po kumpleto araw ko pag hindi ko nakakausap at nakakatext yung kaibigan ko na babae.
Ano po ba ang gagawin ko? Natotomboy po ba ako? Salamat po and more power!
Yen-yen, Rizal
Hi Yen-yen from Rizal!
Don’t make a conclusion just yet. Wala namang masama sa pagiging tomboy o lesbian. Masasabi mong ito ang sexual orientation mo kung talagang gusto mo ng relasyon o relasyong sekswal sa kapwa babae.
Baka naman talagang meron lang kayong chemistry o magkasundo talaga kayo ng iyong kaibigan na babae. Check how you really feel. Lesbian ka if you feel breaking up with your BF and seriously consider having a relationship with your girl friend.
Hindi naman ito sakit, so embrace your orientation if ever na marealize mo na ito talaga ang iyong pagkatao. I believe love is fluid; wala namang orientation ang love. Love is love.
You’re 18 and normal na makadiscover ng iba’t-ibang feelings at this stage. Be gentle with yourself and accept whatever it is that you feel most comfortable with. Thank you also and keep reading Inquirer Bandera! God bless.
Ang payo ng tropa:
Hi Yen-yen!
OK lang naman na humanga sa kapwa babae, may mga dahilan, pero hindi naman ibig sabihin nun ay na totomboy ka na sa kanya.
Palagay ko normal lang yan sa kabataan ngayon.
Sabi nga ni manang baka naman talagang meron lang kayong chemistry o magkasundo talaga kayo ng iyong kaibigan na babae.
Kaya girl don’t worry about your feelings. Enjoy mo na lang ang relationship ninyo ng BF mo, or mag focus ka muna sa pag-aaral mo, bata ka pa naman.
Jenny via Facebook
E, ano namang masama kung matomboy ka sa kaibigan mo? Hindi masama ang maging tomboy o maging bakla, kung sa ganoong oryentasyon ka magiging masaya, bakit hindi?
Pero suriin mong mabuti. Tanungin mo ang sarili mo kung ano ba talaga ang nararamdaman mo, unang-una, sa BF mo. Kung hindi mo siya talaga mahal, bakit kailangan ninyong parusahan ang inyong mga sarili. Tsaka unfair naman sa guy kung hindi mo siya mahal pero pinipilit mong mag-stay sa relasyong yan.
Second, unfair din yan sa iyo mismo. Pag nanatili ka sa relasyon na hindi mo naman talaga mahal, ikaw rin ang magdurusa.
Alma ng Anonas, Quezon City
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.