Natatakot bang maagaw ang kanyang dyowa?
MARIAN Rivera must have acted differently kung hindi siguro si Angel Locsin ang magiging kapareha ni Dingdong Dantes sa isang movie sa Star Cinema.
What we’re talking about is her reported pagpigil kay Dingdong to do a movie with Angel.
May nakapagtsika kasi sa amin na Marian reportedly asked Dingdong if there is a way na hindi matuloy ang movie project.
Kaya lang, Dingdong, professional that he is, reportedly told his inamorata na wala nang makapipigil sa paggawa nila ng movie ni Angel.
It’s a done deal nga naman. Isa pa, na-announce na nga rin sa mga diyaryo ang pagsasama nila.
So, is Marian threatened by Angel?Probably! Parang wala naman yatang hindi pinagselosan si Marian sa mga nakapareha ni Dingdong, from Rhian Ramos, Katrina Halili, Heart Evangelista, hindi ba?
‘Yung TV project nga ni Dingdong kay Heart ay hindi na natuloy, ‘di ba?
Ito ay kahit na nasabi na ng isang executive na ang next project last year dapat ni Heart ay isang soap with Dingdong.
Nagmukha tuloy ewan ang TV executive na nagsabi kay Heart na ang next TV assignment niya ay bilang leading lady ng dyowa ni Marianita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.