Magka-BF ang birthday wish | Bandera

Magka-BF ang birthday wish

Joseph Greenfield - March 06, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Nicole Dandan, Kabasalan, 

Zamboanga del Sur
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na April 16 ay 25 na ako. Ang problema ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit minsan.
Nagtataka nga ako sa aking kapalaran dahil sabi naman ng nanay ko ay maganda.
Bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend?
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kung saan ko makikilala ang lalaking una at huling magiging boyfriend ko.
Gusto ko po kasi na sa taong ito ay magka-boyfriend na ako. Mangyari kaya ang birthday wish ko na ito?

Umaasa,
Nicole ng Zamboanga del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Huwag kang mag-alala, Nicole, dahil kitang-kita naman ang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong illus 0306palad. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap ay magkaka-boyfriend ka na hanggang sa tuluyang makapag-asawa.

Cartomancy:

Two of Hearts, King of Clubs at Six of Hearts, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa June ay magkaka-boyfriend ka na at magiging maligaya.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending