Mommy Maricar, Michelle drum-drum na luha ang iniyak para kay Jam Sebastian | Bandera

Mommy Maricar, Michelle drum-drum na luha ang iniyak para kay Jam Sebastian

Cristy Fermin - March 06, 2015 - 03:00 AM

JAM SEBASTIAN

JAM SEBASTIAN

Palaging masakit ang pamamaalam. Lalo na kung huling pagkaway na ‘yun at hinding-hindi na mauulit pa. Ang taos-puso po naming pakikiramay sa pamilya Sebastian dahil sa pagpanaw ng YouTube sensation na si Jam Fernando Sebastian.

Pagkatapos nang isang taong pakikipaglaban sa lung cancer ay sumuko na si Jam.
Araw at gabing sagad sa butong sakit ng katawan, sobrang pagbagsak ng timbang, pero patuloy pa rin ang kanyangpakikipagpingkian sa buhay.

Napakasakit para kay Mommy Maricar ng senaryong ito, drum-drum na luha na ang kanyang naiiyak para sa kanyang bunso, pero tanggap na ngayon ng dakilang ina nina Jam at Yexel na hanggang du’n na lang ang hiram na buhay ng kanyang supling.

Tulad ng alam na nating lahat, dalawang bagay lang ang totoo sa buhay na ito, ang tayo’y ipanganak at ang tayo’y mamamatay.

Wala nang iba.

Sa kanyang pagbiyahe sa kabilang buhay ay iiwanan ni Jam Sebastian ang mga alaala nila ni Michelle Liggayu, ang kanyang girlfriend, milyon ang bilang ng mga kababayan nating nagmahal sa Jamich.

Masakit ang pagkawala ni Jam, pero ngayon ay nakapagpahinga na ang kanyang lupang katawan sa matinding sakit, hindi na siya iiyak at hindi na rin aaray dahil sa pagpapahirap ng lung cancer na kumalat na sa kanyang buong katawan.

Isang mapayapang paglalakbay para kay Jam Fernando Sebastian.

Tinalo ka ng cancer pero habambuhay kang maaalala.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending