ANGELINE hindi marunong humalik, tinuruan ni COCO | Bandera

ANGELINE hindi marunong humalik, tinuruan ni COCO

- May 17, 2012 - 05:21 PM

By: Reggee Bonoan

KUNSUMISYON pala ang ibinigay ni Angeline Quinto sa mga kasamahan at director ng pelikulang “Born To Love You” dahil pinahirapan niya ang mga ito pagdating sa blocking at tamang pag-arte.

Ayon kay Malou de Guzman na kasama niya sa pelikula na siya ring nag-workshop sa kanya, “Very promising po si Angeline.

Nagbunga ‘yung mga kunsumisyon ko sa kanya sa workshop. Ha-hahaha! Pero nakuha niya naman.

“Malalim po ‘yung bata, nasa proseso pa siya ng tatawagin nating unfolding at nae-express naman niya at ika nga, ito ‘yung first time niya kaya bigyan natin siya ng pagkakataon na i-prove ang kanyang kakayahan sa pagganap,” dagdag nito.

Kaya naman nang tinanong si Angeline kung pinangarap ba talaga niyang maging artista, “Bata pa lang po ako, pangarap ko talagang maging singer, ‘yung pagiging aktres, siyempre po, pangalawa po ‘yun. Kaya noong nabigyan ako ng chance na makagawa ng movie, agad-agad nga, eh, hindi muna naging teleserye.

“Tapos, hayun po, sobra-sobra po talaga ang pasalamat ko kasi bukod po sa pagkakapanalo ko sa Star Power, nabigyan agad ng movie, tapos ‘yung mga kasama ko pang artista, e, halos lahat hinahangaan ko talaga, lalo na po si Coco (Martin), sir Albert (Martinez), si tita Malou, si Ms. Eula (Valdez).  Kaya sana po, manood kayo,” pahayag ni Angeline.

Hindi rin itinanggi ni Angeline na gusto rin niyang makagawa ng teleserye, pero sa nabalitaan niyang araw-araw ang taping ng soap ay baka hindi raw niya kayanin dahil may mga raket pa nga naman siya as a singer.

Samantala, inamin ni Angeline na si Coco ang first on and off screen kiss niya kaya ilang beses daw siyang nasabihan ng kanilang direktor dahil hindi niya makuha nang tama ang halikan, “Nakabuka po kasi ang bibig ko, e, hindi pala ganu’n.

Kaya nanood ako ng mga pelikulang may kissing scene at okay naman na.”

Tinanong namin kung marunong na siyang humalik ngayon, “Smack lang,” ang mabilis niyang sagot sa amin.

Samantala, tawang-tawa pa rin ang entertainment media kay Angeline dahil sa pagiging taklesa niya, at ito raw ang turo sa kanya ng kanyang idolong si Regine Velasquez.

“Sabi po sa akin ni Ms. Reggs maging natural daw ako, kung ano raw ‘yung ibibigay sa akin gawin ko na ayon sa pagkakaalam ko,” kuwento ng dalaga.

Inamin din ni Angeline na nagkakausap pa rin sila ni Sarah Geronimo, “Si Sarah po, sabi niya, huwag daw akong kabahan kasi kapag naunahan daw ng kaba, maaapektuhan na lahat.

Lalo na po sa first shooting day ko, talagang para akong robot kasi ultimo blocking hindi ko alam.

“Magkaibigan po talaga kami ni Sarah at kapag may intriga po sa amin, pinag-uusapan po namin talaga iyon sa text.

Tapos sinasabi nga ni Sarah na huwag kong pansinin.  Kasi hindi ko alam na ganito pala dito (showbiz),” kuwento pa ni Angge.

Kaya tinanong namin kung willing siyang mag-guest sa concert ni Sarah ngayong Hulyo?

“Oo naman, bakit hindi,” say niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Payag siya kahit libre ang talent fee? “Oo basta ikaw ang magbabayad ha,” biro niya sa amin.

Samantala, sa SM Megamall cinema 9 gaganapin ang premiere night ng “Born To Love You” sa May 29 at sa May 30 naman ang nationwide showing nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending