Cesar pumayag nang makipagkasundo kay Sunshine para sa hatian ng ari-arian | Bandera

Cesar pumayag nang makipagkasundo kay Sunshine para sa hatian ng ari-arian

Ervin Santiago - March 05, 2015 - 02:00 AM

sunshine cruz
HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Cesar Montano – finally ay pinirmahan na niya ang compromise agreement sa pagitan nila ng nakahiwalay na asawang si Sunshine Cruz kaugnay na rin ng kanilang conjugal properties.

Ibig sabihin, wala nang pagtatalunan ang estranged couple tungkol sa kanilang mga ari-arian. Kabilang sa ibinigay ni Cesar kay Sunshine ang kanilang property na malapit lang sa golf club kung saan naglalaro ang aktor.

Ang pagpayag ni Buboy ay naganap sa huling pagdinig ng kanilang kaso (child custody) sa Quezon City Regional Trial Court noong nakaraang Lunes.

Sa ulat ng GMA, si Cesar lang ang dumalo sa hearing, hindi sumipot si Sunshine. Ang legal counsel lang gn aktres ang present sa pagdinig na si Atty. Bonifacio Alentajan.

Samantala, umalma naman si Cesar sa pagbabawal sa kanya ni Sunshine na makipagkita sa kanilang tatlong anak na babae. Ipinagdiinan pa ng aktor ang resolusyon ng korte na maaari niyang bisitahin ang kanyang mga anak dalawang beses sa isang linggo.

Ayon pa kay Buboy, noong Dec. 1, 2014 pa niya huling nakasama ang kanyang tatlong anak. Kamakailan ay nagsalita rin si Cesar na may kinalaman sa isyu ng hatian ng kanilang properties ang bagong kasong isinampa ni Sunshine laban sa kanya.

Pero anang aktor, isang kasinungalingan ang alegasyon ni Sunshine na nagparaos siya sa harap ng tatlo nilang anak noong magkakasama pa sila sa isang bahay.

Ayon pa kay Buboy, “Your father will still be the same. Stick with the truth. Do not allow anybody to teach you how to lie. Please pray for daddy, please pray for mommy, please pray for our family. Stay with the truth.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending