Kathryn: Gusto ko talagang makausap si Nadine!
Inamin ng Teen Queen na si Kathryn Bernardo na may “awkward moments” sila ni Nadine Lustre na patuloy na ikinukumpara sa kanya dahil nga magkamukha raw sila.
“Siguro meron kaming awkwardness kasi with the social media, the Twitter, the Instagram, parang nauunahan ng lahat ng tao bago pa kami mag-meet,” chika ni Kathryn sa interview ng The Buzz last Sunday.
Nagkikita naman daw sila sa mga events ng ABS-CBN pero, “Hindi pa nabi-break ‘yung awkwardness na ‘yun kasi hindi pa kami formally nagmi-meet. Siguro sa backstage, doon lang kami nagkikita kasi kami ‘yung next.
Pero sana, open ako sa idea na gusto ko mag-meet kami.” “Gusto ko na makausap ko siya para maalis ‘yung awkwardness,” sey pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.