Pagtatayo ng training center tuloy na | Bandera

Pagtatayo ng training center tuloy na

Mike Lee - March 03, 2015 - 12:00 PM

UMUSAD na ang plano na magkaroon ng makabagong training center ang Pilipinas.

Sa isinagawang House Committee on Youth and Sports sa pangunguna nina chairman Davao del Sur Rep. Anthony del Rosario at vice chairman at Pampanga Rep. Joseller “Yeng” Guiao kahapon sa tanggapan ng Clark International Airport Corporation (CIAC) kahapon ay hindi lang isa kundi dalawang lugar ang tinukoy nina Philippine Olympic Olympic (POC) president Jose Cojuangco Jr. at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia na dapat kunin para makumpleto ang plano sa Philippine sports.

Bago ang hearing ay nag-ikot muna ang mga matataas na opisyal na ito sa ipinahihiram na 50-ektaryang lupain ng CIAC  sa Clark, Pampanga at sa ang 35-ektaryang lupain ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) sa Capas, Tarlac.

Pasado sa mga sports officials ang lupa sa CIAC para pagtayuan ng training center habang ang lupa ng BCDA ay kinuha na rin bilang paghahanda para sa pagpapatayo ng makabagong sports complex para magkaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na makapag-host ng Asian Games.

“The last time we hosted the Asian Games was in 1954,” wika ni Cojuangco. “I proposed that we have both.”

Walang tutol si Garcia habang sina CIAC president at CEO Egmidio Tanjuatco III at BCDA project director Tom Macrohon ay payag din sa kagustuhan ni Cojuangco.

“May area na tayo and that is a big start. Now we try to look for the funding,” wika ni Guiao.

Para magkaroon ng pondo ay dapat na makagawa muna ng batas at kailangan nina Del Rosario at Guiao na ligawan ang katapat na komite sa Senado para maipasa ito.

Si Senador Sonny Angara ang siyang chairman ng Committee on Youth and Sports sa Senado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending