MGA 40 armadong pulis at 20 security guards ang lumusob sa isang gusali sa 1201 sa corner ng Vito Cruz Ext. at Venecia Road sa Makati City noong Martes.
Kabilang sa 40 armadong pulis ay mga miyembro diumano ng SWAT team na nakasuot ng itim na fatigue.
Ang kanilang ni-raid ay isang call center office na may 50 empleyado.
Ang call center ay isang very legitimate business at walang nilabag na batas.
Ang call center office ay napagitnaan ng isang labanan sa korte ng lumang may-ari ng gusali na si Vicente Siapuatco at diumano’y bagong may-ari ng gusali na si Miguel “Ike” Hernandez.
Ang call center operator ay nagbabayad ng renta sa lumang may-ari ng building.
Walang kaalam-alam at walang pakialam ang call center operator sa legal battle nina Siapuatco at Hernandez.
Ang raid ay base sa court order kay Siapuatco na lumisan na sa gusali.
Hindi alam ito ng call center operator. Nalaman lang niya ang order nang mag-raid na ang mga pulis at security guards.
Napahiya ang call center operator dahil sa mga nakatirang residente na malapit sa kanilang gusali. Ang akala tuloy ng mga residente na may illegal silang ginagawa.
Si Judge Joselito Villarosa ng Makati Regional Trial Court ang siyang nag-isyu ng order na mag-raid.
Pinalabas ng mga raiders ang lahat ng empleyado ng call center pero idineteyn ang may-ari nito na isang babae ng 12 hours.
Pinigilan ng mga raiders ang mga empleyado at asawa ng may-ari ng cell center na hatiran siya ng pagkain at tubig habang siya’y siya’y kinulong sa opisina ng 12 oras.
Bakit kinailangan pang gumamit ng napakaraming pulis na armado na parang pupunta sila sa Mamasapano sa Maguindanao at mga blue guards?
At bakit nag-isyu si Judge Villarosa ng order na i-raid ang call center na walang kinalaman sa away nina Siapuatco at Hernandez?
By the way, parang illegal ang order ni Villarosa dahil inatasan na siya ng Supreme Court na huwag nang mag-isyu ng order tungkol sa mga commercial cases dahil inilipat na siya sa ibang korte.
Ayaw makipag-usap ni Villarosa sa inyong lingkod. Tatanungin ko sana siya kung bakit nag-isyu pa siya ng court order samantalang wala na siyang poder dito.
Hindi ko sinasabing sangkot si Villarosa, pero may mga balita na may sindikato ng mga judges sa Makati na kumikita sa mga commercial cases sa siyudad.
qqq
Nagsisimpatiya ako kay Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa pagkakabaril niya sa kanyang sarili.
Sinasabi ng family lawyer ng pamilya Revilla na si Raymond Fortun na aksidente ang nangyari.
Aksidente man o binaril niya ang kanyang sarili, nagsisimpatiya pa rin ako sa vice governor.
Kung nagtangka siyang mag-suicide ito’y gawa ng pagkakakulong ng kanyang amang si Sen. Bong Revilla sa kasong plunder.
Masakit na masakit para kay Jolo ang pagkakakulong ni Bong dahil iniidolo nito ang kanyang ama.
Sa murang pag-iisip ni Jolo, malaking kahihiyan ang nangyari sa kanilang pamilya.
Dapat ay lakasan ni Jolo ang kanyang loob.
Dapat malaman ni Jolo na di pa naman nahuhusgahan o nako-convict si Senator Bong. An accused is considered innocent until the court finds him guilty.
Kinakailangang magpakatatag ka, Jolo, dahil kawawa naman ang iyong ina at baka maapektuhang masyado ang iyong ama sa pag-aalala sa iyo.
Hayaan mo, Jolo, at malalampasan ninyong pamilya ang isang malaking pagsubok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.