SOLO LIDERATO NAKUHA NG TROPANG TEXTERS
Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Alaska Milk vs Kia Carnival
7 p.m. Barako Bull vs San Miguel Beer
Team Standings: Talk ‘N Text (6-2); Meralco (5-2); Rain or Shine (5-2); Purefoods Star (5-3); Barako Bull (4-3); Barangay Ginebra (4-3); Globalport (4-4); NLEX (3-4); Kia Carnival (3-5); Alaska Milk (2-4); Blackwater (2-6); San Miguel Beer (1-6)
BUMANGON buhat sa masakit na pagkatalo ang Talk ‘N Text Tropang Texters matapos nilang patumbahin ang Globalport Batang Pier, 96-88, sa kanilang 2015 PBA Commisioner’s Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Nagtala si Talk ‘N Text forward Ranidel de Ocampo ng 25 puntos, limang rebounds at tatlong assists habang si Ivan Johnson ay gumawa ng 35 puntos at 20 rebounds para pamunuan ang Tropang Texters na nahablot ang solo liderato matapos umangat sa 6-2 record.
Ang dating Atlanta Hawks forward na si Johnson ay nakagawa ng three-point play at naghulog ng 3-pointer para ibigay sa Talk ‘N Text ang pinakamalaki nitong kalamangan, 96-83, may 2:13 ang nalalabi sa laro.
Bigla namang inalat ang opensa ng Batang Pier sa mga huling minuto ng laro para bumagsak sa 4-4 kartada.
Sa ikalawang laro, winakasan ng Purefoods Star Hotshots ang kanilang tatlong sunod na pagtatalo matapos daigin ang San Miguel Beermen sa overtime, 113-105.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.