Michael Pangilinan inagawan ng halik ng bading; muntik manuntok | Bandera

Michael Pangilinan inagawan ng halik ng bading; muntik manuntok

Jobert Sucaldito - February 27, 2015 - 07:25 PM

Masarap alagaan itong si Michael Pangilinan dahil lahat ng producers niya ay masaya every show. Sulit na sulit sila sa performances ni Michael – at wala kasing arte si bagets. Kaya nag-i-enjoy ang mga producers na kunin siya dahil palagi siyang nahihili-ngan ng audience ng encores. Basta ba okay lang sa producers niyang kumanta pa siya nang kumanta, oks lang sa kaniya.

Hindi mabigat dalhin sa anumang concert si Michael. Magaling siyang makisama at hindi siya pa-star. Kahit saang bahagi ng show mo siya ilagay walang isyu sa kaniya.

“Basta pakantahin mo lang ako nang pakantahin, hindi isyu sa akin iyon. I feel so blessed and so lucky nga dahil kahit papaano ay tinatanggap na ako ng audience everywhere I go. Kaya lang, nitong huling guesting ko sa SMX, yung nag-serenade ako ng mga candidates, may masaklap akong naging karanasan,” kwento ng bagets.

“Ganito kasi iyon. Nag-request silang kantahin ko ang ‘Pare, Mahal Mo Raw Ako’. Walang problema sa akin. Normally kasi ay kumukuha ako ng isang gay sa audience at kinakantahan ko onstage. So far naman, sa tinagal-tagal ng panahong ginagawa ko ito, hindi pa naman ako nababastos. Kaya lang nitong huli, sumama lang ng konti ang loob ko dahil habang nakayuko ako, parang pinlanuhan na ako ng kasama kong gay sa stage.

“Pag-angat ng mukha ko at paglingon ko sa kaniya, mabilis niya akong nahalikan sa lips. Tapos tumalon pa siya at sumenyas na parang nagwagi siya. Nagpigil lang talaga ako. I felt so bad. Parang ang sarap manuntok. Pero nagpigil pa rin ako. Silently I prayed to God na gabayan ako. Kasi feeling ko, nabastos ako. Pero tinapos ko pa rin yung song na parang wala lang,” sumbong ni Michael.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending