Meralco, NLEX magsasalpukan | Bandera

Meralco, NLEX magsasalpukan

Barry Pascua - February 27, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Barako Bull vs Rain or Shine
7 p.m. Meralco vs NLEX
Team Standings: Meralco (5-1); Talk ‘N Text (5-2); Rain or Shine  (4-2); Barako Bull (4-2); Barangay Ginebra (4-3); Globalport (4-3);Purefoods Star (4-3); Kia Carnival (3-4); Alaska Milk (2-4); NLEX (2-4); San Miguel Beer (1-5); Blackwater (1-6)

NGAYONG maayos na ang kalagayan ni Josh Davis ay pipilitin ng Meralco Bolts na makabangon sa nakaraang kabiguan sa salpukan nila ng delikadong NLEX sa 2015 PBA Commisioner’s Cup mamayang alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon ay paglalabanan ng Rain or Shine at Barako Bull ang solong ikatlong puwesto. Kapwa sila may 4-2 karta.

Patuloy na nangunguna ang Bolts sa record na 5-1 kahit na napatid ang kanilang winning streak noong nakaraang Sabado nang talunin sila ng San Miguel Beer, 102-86, sa out-of-town game sa Cagayan de Oro City.

Sa larong iyon ay bumagsak si Davis may 7:16 ang natitira sa second quarter matapos na mabigong supalpalin si June Mar Fajardo. Binuhat siya palabas ng court at hindi na naibalik.

Dahil doon ay magaan na nairehistro ng Beermen ang kanilang unang tagumpay sa torneo.

Ang NLEX, na may 2-4 record, ay naging comeback team ng liga. Kontra Talk ‘N Text ay nakabalik sila sa 26 puntos na abante ng kalaban subalit natalo, 98-96. Sa sumunod na laban kontra San Miguel Beer ay binura nila ang 21 puntos na abante ng Beermen at nanalo, 100-93.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending