Pangarap yumaman (2) | Bandera

Pangarap yumaman (2)

Joseph Greenfield - February 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Mary Grace Cherry Blossom Village, Tambo, 

Iligan City
Problema:

1. Dati akong OFW at nang makaipo ng konting puhunan ay nag-try akong magnegosyo. Kaya lang lahat ng pinasok kong negosyo ay nalugi. Ask ko lang po kung wala ba talaga akong suwerte sa pagnenegosyo.

2. At kung wala naman talaga akong suwerte sa negsoyo, tama ba ang balak ko na mag-abroad na lang uli? Maliit na bata pa lang po kasi ako ay pangarap ko nang yumaman. May pag-asa pa kaya akong yumaman at sa paanong paraan? January 14, 1980 ang birthday ko.

Umaasa,
Mary Grace
Iligan City
Astrology:

Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing basta’t mag-abroad ka lang nang mag-abroad, sa halip na magnegosyo, tiyak ang magaganap. Sa walang tigil na pangingibang-bansa ay uunlad at aasenso hanggang sa kusa kang yayaman.

Numerology:

Ang birth date mong 14 ay nagsasabing ganito ang mangyayari sa kapalaran mo: “Kapag maraming-marami kang pera kusa ay kang magnenegosyo at sa negosyong ilulunsad mo sa edad mong 41 sa taong 2021, tiyak na sa panahong iyon magsisimula at tuloy-tuloy ka nanng yayaman.”

Graphology:

Pansing maraming tila alon na hugis sa iyong lagda (Illustration 2.), ito ang nagpapatunay na sa panahon ngayon wala sa sarili nating bayan ang iyong asenso kundi nasa ibayong dagat.
Huling payo at paalala:

May kanya-kanyang takdang kapalaran ang bawat tao at may panahon kung kailan ito dapat na isagawa o matupad. Ayon sa iyong kapalaran Mary Grace, panahon ngayon ng pag-aabroad sa iyong buhay kaya samantalahin mo. Sa ganyang parana, dating din ang saktong panahon upang ikaw ay magnegosyo, at ito ay sa taong 2021, at sa panahong iyon, tulad ng nasabi na, magsisimula ka ng yumaman at ang pagyamang inaasahan ay kusa namang magaganap sa edad mong 50 pataas sa taong 2030.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending