Noynoy may kakambal na kamalasan | Bandera

Noynoy may kakambal na kamalasan

Cristy Fermin - February 27, 2015 - 03:00 AM

NOYNOY AQUINO

NOYNOY AQUINO

Hinding-hindi na namin malilimutan ang araw na ‘yun na para lang kami makarating sa lugar na aming pinagtatrabahuhan ay kinailangan naming magbabad sa kalye nang tatlong oras na buwisit na buwisit dahil sa napakasukdulang trapik.

Nakasimangot din ang mga kasabay mo sa kalye, nagmumura ang mga kababayan nating napilitan nang magsipaglakad dahil mabuti pa nga ang mabagal na pagong ay umuusad, pero ang lahat ng mga kalye lalo na sa EDSA ay mistulang parking lot.

Nakakainis, nakasisira ng araw, totoong-totoo ang paglalarawan ng mga banyaga na ang Pilipinas na nga ang traffic capital of the world.

Nakalulungkot lang isipin na kung anu-ano ang pinagkakaabalahang isyu ng ating pamahalaan, nakatutok sila sa paksa ng kapayapaan, samantalang daloy nga ng trapiko ay ni hindi nila masolusyunan?

Galit na galit na ang buong bayan sa sobrang higpit ng trapik sa araw-araw, sabi ng mga tagapagsalita ng MMDA nu’n ay dahil lang sa Kapaskuhan ang lahat, pero Pebrero na ay wala pa rin namang ginhawang nararamdaman ang mga mananakay at motorista hanggang ngayon?

Inaalat talaga ang liderato ni Pangulong Noynoy Aquino, kakambal ng kanyang pamahalaan ang halos lahat ng kamalasan, hindi pa nga natutunton kung sino ang tunay na dapat buweltahan ng sisi sa pagkalagas ng SAF-44 ay matinding problemang kailangan din nilang solusyunan ang kasula-sulasok na estado ng trapik sa bayan ni Juan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending