Bakbakang Pacman-Mayweather walang rematch; mga hotel sa Las Vegas puno na | Bandera

Bakbakang Pacman-Mayweather walang rematch; mga hotel sa Las Vegas puno na

Cristy Fermin - February 24, 2015 - 02:00 AM

manny pacquiao
Isang matinding senyal na talagang pinakaaabangan ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ay ang mabilis na pagpapareserba ng iba’t ibang lahi sa mga hotels sa Las Vegas sa darating na May 2.

At hindi lang ang MGM Hotel ang fully-booked na, maging ang lahat ng mga hotels sa Las Vegas strip ay wala na ring bakante ngayon pa lang, matindi ang pag-aabang ng buong mundo sa nakatakdang pagsasalpukan sa lona nina Pacman at Boy Daldal.

Ang anak-anakan naming si Ramil Andrada ay matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa Las Vegas, ito ang nagkuwento sa amin kung gaano katindi ang pahirapan sa hotel booking sa May 2, umagap na agad ang mga dadayo du’n para saksihan ang katangi-tanging labang ito.

“Pati maliliit na hotels, fully-booked na, kaya kung may plano kang manood, sa bahay ko na kayo titira ni Jude Estrada!” balita pa ng aming kaibigan-anak-anakan.

Dalawang laban ni Pacman (kay Eric Morales) ang nasaksihan namin sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, nakita namin ang matinding suporta sa kanya ng mga kababayan nating naninirahan sa malalayong lugar sa Amerika, bumibiyahe talaga ang mga Pinoy para bigyan ng suporta ang ating Pambansang Kamao.

Lalo na ang laban nila ni Floyd Mayweather, talagang hindi ‘yun palalampasin ng mga lulong sa boxing, wala raw rematch ang kanilang salpukan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending