‘Iskolar’ ng may asawa na | Bandera

‘Iskolar’ ng may asawa na

Joseph Greenfield - February 24, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Ellen ng Larena Drive, Taclobo, Dumaguete City

Dear Sir Greenfield,

May karelasyon ako sa ngayon na isang lalaking may asawa na. At hindi ko siya maiwasan dahil sa kasalukuyan siya ang bumubuhay sa akin, nagbibigay ng pera at allowance sa aking pag-aaral. May pangako naman siya na sa sandali daw na magkahiwalay sila ng kanyang asawa, ako daw ang papakasalan nya at papakisamahan habang buhay. Naisipin kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakatotoo kaya ang pangako niyang ito sa akin? Malaki kasi ang agwat ng aming edad, kaya tatanong ko na din kung may possibility kaya na kami ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay sa bandang huli? July 13, 1995 ang birthday ko at October 15, 1972 naman ang birthday ng lalaking karelasyon ko sa ngayon.

Umaasa,
Ellen ng Dumaguete City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang malaking bilog sa Heart Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, bagamat “iskolar” ka sa ngayon ng lalaking karelasyon mo at masaya ka naman yata sa piling niya sa kasalukuyan, kahit na ganon ang sitwasyon sa bandang huli may posibilidad na maaari pa rin kayong magkahilay.

Cartomancy:
Jack of Spades, Six of Diamonds at Queen of Spades ang lumabas, (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing pansamantala lang ang inyong relasyon dahil sa kasalukuyan pinagbibigkis lamang kayo ng salapi. Sa bandang huli, kapag hindi mo na kailangan ang pera o salapi niya, makakahanap ka ng lalaking ka-edad mo habang siya naman sa panahong iyon ay napagsawaan ka na, kaya okey lang sa kanya na magkahiwalay na kayo.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending