Vice Ganda nag-trending sa Twitter dahil kay ‘Madam Bertud’
NAG-TRENDING na naman sa Twitter si Vice Ganda nitong weekend nang simulan ang bagong segment sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.
Naging usap-usapan sa social media ang nasabing programa dahil sa mga nakakaloka at nakakatawang advice ni Vice. Ito ay pinamagatang “AdVice Ganda”, dito binibigyan ng chance ang audience na magtanong tungkol sa kanilang mga problema sa buhay, partikular na ang mga isyu sa pag-ibig.
Sey ng TV host-comedian na gumaganap nga sa nasabing segment bilang Madam Bertud, “Walang genius-genius, o logic-logic sa pagibig, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Lahat tayo ay may pinagdadaanan, ang mahalaga ay may puhunan.
Para sa unang hirit ng nasabing segment, nagtanong kay Vice ang isang dancer ng Showtime, “Paano po kapag biglang pumunta ang ex-boyfriend ko sa amin? Tapos dinalhan niya ako ng bulaklak?
Ano pong gagawin ko? Sa tingin niyo po ba dapat ko ba siyang balikan ulit?” Sagot ni Vice, “Unang-una, wag kang asumera. Nagdala lang ng bulaklak, nakikipagbalikan na? Hindi lahat ng ex na nagdadala ng bulaklak ay nakikipagbalikan. Yung iba nakikiramay lang dahil ang alam nila isa kang babaeng luhaan.”
Pagpapatuloy pa ni Vice, “Baka kaya ka niya pinuntahan, gusto lang niya malaman kung bakit sa dinami-dami ng babae, ay ikaw pa ang kanyang pinatulan. Too much expectations lead to hallucinations.
Sa madaling salita, huwag kang asumera para kang ngumanga, kumain ka na lang ng hopia, mabubusog ka pa.” Isa pang dancer ang nagtanong kay Vice, “Kasi nga yung ex ko pumunta siya sa bahay tapos kinausap niya ako tapos tumingin siya sa mga mata ko, sinabi niyang hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko?”
Diretsong sagot ng TV host, “Wala naman masama sa pakikipagbalikan lalo na kung mayroon pang natitirang damdamin at pagmamahalan. Siguraduhin mo lamang na ang nakikipagbalikan sa iyo ay sincere.
At dapat maging mas matalino ka. Marami kasing iba dyan, ginagago na, kinikilig pa.” Ilang minuto lang ang lumipas matapos ang nasabing segment, agad na nag-trending worldwide sa Twitter ang hashtag “#AdViceGanda”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.