Jane hinding-hindi makakalimutan ang Marina ni Claudine
Naganap na ang pagsugod ni Vina Morales sa bahay nina Christian Vasquez at Denise Laurel para kunin ang anak nila na si Jane Oineza sa afternoon drama series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa ABS-CBN.
Pero malaking heartbreak naman kay Vina ang araw na ‘yun dahil hindi sumama sa kanya si Jane na napakahusay sa eksenang ‘yun. Bigla tuloy naming naalala si Jane sa performance niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya kung saan kaeksena niya ang magaling na aktres na si Angel Aquino and that was before she entered the Pinoy Big Brother house.
Drug addict ang role ni Angel bilang nanay ni Jane. Binenta ni Angel si Jane para sa drugs and then later, tinuturuan pang gumamit nito.“‘Yun po ang first lead role ko sa MMK. Heavy drama and very challenging.
Noong nabasa ko pa lang ‘yung script, I knew that I wanted it. Hindi ko pa maimadyin ang sarili ko noong una na magagawa ko ‘yung role. Tapos na-nominate po sa Emmys ‘yung MMK episode namin.
At sa ano rin po, sa New York Festivals,” proud na sabi ni Jane. But until now, ang favorite TV show daw niya ay ang pantaserye na Marina na pinagbidahan ni Claudine Barretto.
Gumanap siya bilang batang Marina at noong nabuntis daw si Sunshine Cruz, tinyek-over din niya ang role nito bilang si Nanay Istah. Incidentally, isa pala sa best friends ngayon ni Jane ay ang pamangkin ni Claudine na si Julia Barretto.
Bukod kay Julia, she also considers Janelle Salvador and Eliza Pineda as her best friends. “Nandoon po kasi sila before and after my PBB stint. They just surprise me, text me, and when I was in PBB, they defended me.
Doon ko na-realize na may true friendship pala talaga. Si Eliza po four years old pa lang kami, magkaibigan na kami,” lahad ni Jane. Kung hindi raw siya naging artista, gusto rin niyang maging author or director.
“Bookworm po kasi ako talaga, e. I can finish a book in one day! I don’t open a book unless I know that I’ll finish it within the day. Acting is my first love, pero gusto ko rin po subukan on how it is behind the camera, for a change.”
Sa ngayon, kering-keri ni Jane dalhin ang success sa ulo niya. “Just keep your feet po on the ground and stay humble. I always say hello at tini-treat ko po ‘yung mga sumusuporta sa akin as my friends and family.
Lagi ko po pinapakita sa kanila na naa-appreciate ko po lahat ng tulong nila sa akin,” ngiti ni Jane. Samantala, pakatutukan ang episodes ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita simula sa Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Flor de Liza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.