Purefoods sasagupa sa Ginebra | Bandera

Purefoods sasagupa sa Ginebra

Barry Pascua - February 22, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Globalport vs Blackwater
5:15 p.m. Purefoods vs Ginebra

SISIKAPIN ng defending champion Purefoods Star na makabawi sa back-to-back na kabiguan sa pagkikita nila ng delikadong Barangay Ginebra sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-3 ng hapon may makakatapat ng Globalport ang Blackwater Elite.

Matapos na magwagi sa kanilang unang apat na laro, tatlo katuwang ang mas maliit na import na si Marqus Blakely, ang Hotshots ay biglang nanlamig at natalo sa kanilang huling dalawang laro.

Nagwakas ang kanilang winning streak nang sila ay talunin ng Rain or Shine, 78-71, dalawang Sabado na ang nakalilipas sa Dipolog City. Pagbalik sa Maynila noong Miyerkules ay natalong muli ang Purefoods Star sa Kia Carnival, 95-84.

Matapos ang pagkatalong iyon ay nagbitiw ng maaanghang na salita si Purefoods Star import Daniel Orton patungkol sa liga at kay Kia Carnival playing coach Manny Pacquiao. Dahil doon ay pinagmulta siya ng P250,000. Pinalitan naman siya kahapon ni dating Best Import Denzel Bowles.

Masama naman ang naging umpisa ng Barangay Ginebra sa torneo dahil natalo ito sa unang dalawang games. Subalit ang Gin Kings, na ngayon ay hawak muli ni head coach Renato Agustin, ay nakabawi at nagrehistro ng panalo kontra San Miguel Beer (95-82) at Kia Carnival (100-92) .

Subalit nabigo ang Gin Kings na maipagpatuloy ang winning streak nang sila ay maugusan ng Talk ‘N Text, 104-103, noong Linggo.

Sa import matchup ay makakatapat ni Bowles si Michael Dunigan.

Si Bowles ay susuportahan nina Marc Pingris, Peter June Simon, Mark Barroca at Joe Devance. Hindi pa rin siguradong makapaglalaro para sa Purefoods Star ang two-time Most Valuable Player na si James Yap na may injury.

Ang Barangay Ginebra ay pamumunuan nina Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Mark Caguioa, LA Tenorio, Chris Ellis at Mac Baracael.

Ang Globalport ay may 3-3 record at galing sa 99-81 panalo kontra Barako Bull. May isang panalo naman ang Blackwater sa limang laro at tinambakan ng NLEX, 106-79, sa kanilang huling game.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinauwi na ng Blackwater ang injured import na si Chris Charles at aasa na lang kay Marcus Douthit hanggang sa dulo ng torneo. Makakatapat ni Douthit si Calvin Warner.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending