ER inulan ng batikos sa planong pagbibida sa pelikula ng Fallen 44
KAHIT wala na siya sa puwesto bilang gobernador ng Laguna, sa puso namin ay siya pa rin si Gov. ER Ejercito na minahal talaga ng mga constituents niya roon.
Sabi nga nila, kung magkakaroon ng eleksiyon today, tiyak na ilalampaso ni Gov. ER ang current governor nila dahil he’s not as loved as ER. In fairness naman kasi kay Gov. ER, marami siyang nagawa para sa Laguna unlike itong nakaupong gobernador nila na natsitsismis sa pagsusugal.
Totoo kayang ginagawa lang nitong Quiapo ang Macau para mag-casino? Hindi raw kasi siya puwedeng mag-casino rito at baka makunan siya ng video na ika-dethrone din niya. Ha-hahaha! OMG! True ba ito, governor?
Pero so far naman ay hindi ko pa siya nakakasama sa Solaire pag naglalaro ako slot machine. Ha-hahaha! Baka siguro takot na maharbatan namin. Joke lang.
Meron kaming mga kilalang pulitiko na naglalaro rin doon pero deadma lang kami dahil kami naman ay naglilibang din hanggang umaga, di ba, Pinlac? Ha-hahaha!
Anyway, super nag-trending daw ang poster ni Gov. ER regarding his intention of doing a movie about the SAF Fallen 44. May mga magagandang reaction naman ang iba pero marami raw ang namba-bash to this day kay ER saying na gagamitin lang niya ito para sa pansariling interest.
Okey! For the sake of argument, halimbawa lang kasama sa intensiyon ni Gov. ER ang lalong sumikat dala ng very timely issue on SAF 44, anong masama? Kasama sa plano kasi ng paggawa ni Gov. ER ng movie na ito ay ang pagtulong sa mga naulila ng mga dakilang sundalo natin na walang kabuhayan ngayon.
Proceeds kasi of the film will go directly to them – kahit part lang ng proceeds kung hindi man buo pero tiyak na makakatulong pa rin. Kesa naman sa iba riyan na puro dakdak lang at tira pero wala namang pakinabang.
Sakit kasi talaga ng ibang mga kababayan natin iyan eh, yung magbibigay ng violent reaction pero wala namang naitutulong samantalang itong kay Gov. ER ay isinusugal ang propesyon makatulong lang.
In fairness naman kay Gov. ER, sa tagal ng pinagsamahan namin niyan, kilala ko iyan kung gaano kalaki ang puso sa mga nangangailangang kababayan. Hindi madamot iyan.
Tsaka artista si ER kaya hindi naman dapat pagtakhan that he wants to do worthy projects and very timely nga ang kuwento ng mga sundalo nating ito.
May mga nagsasabi kasing sumasakay lang si Gov. ER sa popularity ng mga namatay na sundalo – so ano ang dapat niyang gawin? Kung bagay naman sa kaniya ang project, why not? For sure, napakaraming mga artista at producers diyan ang interested din to do the same – unahan lang naman sa rights iyan eh.
Kung kanino ia-award ang pagsasapelikula nito, swerte-swerte lang. Kung puwede nga lang gawin ni P-Noy ang movie na ito para manumbalik ang kumpiyansa ng mga tao sa kaniya, baka gawin din niya, ‘no!
Sa bansang ito, madalas pag may ganitong issue, damn if you do, damn if you don’t ang labanan. May gagawin kang maganda, may masasabi sa iyo ang mga tao – pag wala ka namang gagawin, sasabihin napaka-insensitive mo.
Kaya minsan hindi mo na rin alam kung saan ka lulugar eh! But if I were Gov. ER, itutuloy ko iyan. Hayaan mo na ang mga kontrabida. Bakit, capable ba silang iprodyus iyan? Kung kaya nila, eh di subukan nila.
Huwag kang paapekto sa mga hunghang na iyan. Ang mahalaga, we believe in your talent and we know how big your heart is.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.