Vice payag maging ninong sa kasal ng JaMich; may wish kay Kris | Bandera

Vice payag maging ninong sa kasal ng JaMich; may wish kay Kris

Ervin Santiago - February 18, 2015 - 02:00 AM

vice ganda
Payag si Vice Ganda na maging ninong sa kasal ng YouTube sensation at magdyowang sina Jam Sebastian at Michelle Liggayu.
Balak pa rin kasing pakasalan ni Mich ang kanyang boyfriend na si Jam sa kabila ng kundisyon nito – patuloy pa rin kasing nakikipaglaban sa cancer si Jam na kamakailan nga ay personal na dinalaw ni Vice sa ospital.

Nang matanong si Vice sa isang TV interview kung willing ba siyang maging principal sponsos sa kasal ng dalawa, “Oo, kasi engaged na sila, they plan to get married.

Sabi ko nga sa kanya, ‘O, pagaling ka na para pakasal na kayo, ‘tapos sumayaw na tayo uli sa GGV. Gumawa tayo ng video uli. Kung kunin nila akong ninang? Oo naman, go!”

Napaligaya kamakailan ni Vice si Jam nang bisitahin niya ito sa ospital, isa kasi sa mga hiling ng cancer patient ang madalaw ng TV host-comedian. Lagi rin daw nanonood ng It’s Showtime.

Kuwento nga ng girlfriend at nanay ni Jam, talaga raw tawa ito nang tawa sa tuwing napapanood si Vice sa TV. Kuwento pa ni Vice sa nasabing panayam, “Tuwing nanonood siya ng Showtime ay tawa siya nang tawa.

Tuwing nanonood siya ng GGV (Gandang Gabi Vice) nag-iiyakan naman sila. Sabi ko, ‘Ayoko ng ganyan. Dapat ‘di tayo umiiyak, dapat nagse-celebrate tayo kasi may life, at dapat sine-celebrate yun.

‘Dapat ‘di ka bumibitaw, hangga’t may chance tayo na tumawa at ngumiti, tumawa at ngumiti tayo, ‘wag muna tayong umiyak.’”
Kamakailan kasi ay mismong si Jam na ang nagsabi na gusto na niyang magpaalam dahil hirap na hirap na siya sa kalagayan niya. Pero hindi pumayag ang kanyang pamilya.

Samantala, isa pa sa wish ni Jam ay ang madalaw rin siya ni Kris Aquino. Kuwento ni Vice, magkasama sana sila ng TV host na pupunta sa ospital pero nagkaroon daw ng problema.

“Nu’ng nalaman ko na gusto niya akong makita, tsinek ko agad yung schedule ko para pumunta. Nag-usap kami agad ni Kris, ‘Asawa punta tayo, ganito, ganyan.’ Nu’ng pumunta kami ng Friday, biglang ang traffic, ‘di kami natuloy ni Kris, kaya sabi ni Kris, ‘Monday na lang tayo pumunta.’

“Kaso, ‘di ako puwede ng Monday, Saturday na lang. Kaya nauna ako, nagpunta ako nu’ng Saturday. As far as I know pupuntahan siya ni Kris kasi tinawagan din ako ni Kris, kailan daw ba ako pupunta? Puntahan namin,” chika pa ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending