Kalat na: Yasmien Kurdi pinatay ng sindikato sa internet
Three days nang naka-confine si Yasmien Kurdi sa ospital after niyang magkaroon ng matinding fever.
She posted two photos of her while in the hospital at ‘yung isang kasama niya sa photo ang anak niya ay may caption na ganito: “Kawawa naman ang Baby ko hindi makalapit kay mama pinagbabawalan kasi ni Papa kaya hayan bantay na lang sa tabi ko at nililibang ang sarili.
Luv u so much Baby #AyeshaZara! Lab lab lab! #lowplateletcount pero negative sa dengue test.” ‘Yung isang photo naman na merong name tag ang kamay niya ay may caption naman na ganito: “3rd day ng fever… nag 40.1 degrees ako last night.
Tas ngaun mataas pa din… ayoko magpa-admit kaso sabi ng doctor malala na daw pakiramdam ko…Lord sana hindi po malalala. Kayo na po bahala sakin ?????? #tired #sick #fever #nakakaiyak.”
Nagka-fever na nga ay naging biktima pa si Yasmien ng celebrity death hoax matapos kumalat sa Facebook ang balitang, “At about 11 a.m. on Thursday (February 12, 2015), our beloved actress Yasmien Kurdi passed away.
Yasmien Kurdi was born on January 25, 1989 in San Juan. She will be missed but not forgotten. Please show your sympathy and condolences by commenting on and liking this page.”
Naloka ang beauty ni Yasmien sa maling balita.“Grabe naman ang mga nagkakalat ng ganyang morbid na balita. Ano kaya ang napapala nila sa ganyang gawain nila? Sana, kung ano yung nire-report nilang maling balita tungkol sa kapwa nila, bumalik sa kanila,” reaksyon ni Yasmien.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.