Bakbakang Pacman-Mayweather kasado na, pero sikreto raw muna
Mukhang tuloy na tuloy na ang salpukang Manny Pacquiao-Floyd Mayweather, Jr. dahil kalat na kalat na sa Amerika ang kuwento tungkol sa nalalapit nilang labanan.
Isang kaibigan naming matagal nang naninirahan sa Amerika ang nagkuwento na abala na raw ngayon ang produksiyon ni Bob Arum na promoter ng dalawa sa pagkuha ng mga sponsors para sa pinakaaabangang laban sa mundo ng boxing.
“My friend works in an advertising agaeny, alam niya kung anu-ano ang pumapasok na transaction sa opisina nila, meron na silang tinanggap na letter na nang-iimbita kung maglalagay sila ng mga ads sa labanang Pacquiao-Mayweather.
“What does that mean? Di ba, meron nang plano talaga? Isinisikreto pa nila, e, umaandar na nga ang production na hahawak ng labanan?” nagtatanong na kuwento ng aming kaibigan.
Kung totoo ang mga balitang kumakalat ngayon ay napakalaking laban nga ang kailangang paghandaan ng Pambansang Kamao. Hindi papayag si Boy Daldal na madagtaan niya ang kartada nito na wala pang katalu-talo.
Paghahandaan hindi lang ni Pacman ang engkuwentrong ito, pati ang mga kababayan natin na parang iniiniksiyunan ng suwero kapag may nagsasapakan sa ring ay mag-iipon din ng pampanood, napakatinding labanan ang Pacquiao-Mayweather sa kasaysayang ng boxing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.