Netizens kinuwestiyon ang pelikulang SAF 44 na pinagbibidahan ni ER Ejercito
KINUWESTIYON ng mga netizen ang pelikulang SAF 44 ng napatalsik na dating Laguna governor na si ER Ejercito na ibinasa sa pagpatay sa 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).
“Is this a joke?” tanong pa ng mga netizen.Ito’y matapos i-post ni Ejercito noong Lunes sa kanyang Facebook page ang poster ng pelikulang “SAF” (Special Action Force).
Makikita sa poster na nakasuot ang aktor ng uniporme ng SAF at beret at nakasaludo. Sa tabi ni Ejercito ang logo ng SAF na nasulat ang salitang Tagaligtas at numerong 44, na kumakatawan sa 44 miyembro ng SAF na pinatay ng sa Mamasapano, Maguindanao.
“Bilang pagpupugay natin sa 44 bayani ng Elite PNP-SAF officers na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano clash, isasapelikula ng inyong lingkod ang makulay na buhay at kabayanihan ng ating mga magigiting na sundalo upang mabigyan ng tamang pagkilala at pagpupugay ang #Heroes44 ,” sabi ni Ejercito sa kanyang post.
Bagamat sinuportahan ito ng mga tagahanga ni jercito, kinuwestiyon naman ng ilan ang proyekto. “Gov., isn’t this a bit early? I mean, the investigations are not yet done.
The true story may not be accurately depicted. I’m NOT AGAINST filming this and showing this to the public but wouldn’t it give true justice for the#fallen44 if the film is TRUE to what really happened?” sabi ng isang netizen sa kanyang post.
“I think pwede naman po gawin ng Gob ang palabas na ito, pero sana hindi po ngayon, kung kailan di pa malinaw ang issue ng Mamasapano,” dagdag pa ng isang Facebook user.
“For the sake na din ng accuracy ng magiging movie nya, I think it would be better na maimbestigahan muna ito ng mabuti, without pointing fingers sa scripts.”
Mas diretso naman naman ang naging reaksyon ng mga netizen sa Twitter. “Ano to joke film?” ayon sa isang tweet. “Stop trying to be relevant. Just, no,” sabi ng Twitter user na @pashpotato.
Iba naman ang pahayag ng iba pang netizen. “A cheap, albeit effective way to campaign. Politicians will do anything and everything to be elected,” sabi ni @mark_my_w0rds.
Nanawagan naman ang iba kay Ejercito na irespeto at bigyan ng dignidad ang buhay ng mga miyembro ng SAF.
Binatikos din ng ilan ang poster.
“When can ER Ejercito find a good movie poster creator?” sabi ng isa pang Twitter user
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.