Ipahanap kay Duterte | Bandera

Ipahanap kay Duterte

Lito Bautista - February 13, 2015 - 03:00 AM

DALAWANG magkahiwalay na pagninilay sa Ebanghelyo (Sim 27 1:3, 5, 8b-9abk; Heb 13:1-8; Mc 6:14-29) sa ika-apat na linggo sa karaniwang panahon: Sa araw na ito, magandang makita ang kapangyarihan ng mga salitang  nanggagaling sa bibig.  Pinaaalalahanan tayo na  sa pamamagitan ng mga salita maaari nating maibagsak o maitayo ang dangal o pagkatao ng ating kapwa… at, mag-ingat na mabuti sa mga ginagawa natin ngayon na hindi maganda o hindi mabuti sa kapwa, dahil ang ginagawa nating hindi mabuti sa nakaraan ay babalik para usigin ang ating kasalukuyan.  Kaya ngayon pa lamang ay timbangin natin ang mga bagay-bagay bago tayo gumawa ng mga desisyon.

At ang ikalimang panalangin sa novena kay St. Camillus de Lellis, patron ng mga may sakit, kabilang na ang may karamdaman sa takbo ng pag-iisip:  O most humble and meek Lord Jesus, we thank you and praise you for teaching us to be always humble.  We know that without you, we are nothing.  Without you, we cannot do anything.  Without you our lives would be meaningless.  And You have said that we came from the dust and from the dust we shall return.  And so, we pray before your humble heart and through the intercession of St. Camillus, to help our government leaders, soldiers and those who defend our lives against all kinds of evils to be more humble in doing their responsibilities.  Guide them with Your divine hand so that they may serve their fellowmen with great obedience and love.  Amen

Ang mga bayaran at magnanakaw na mga senador at kongresista na lamang ang “walang alam” sa lantaran at tuwirang pananagutan ng Ikalawang Aquino, ang butihing anak nina Ninoy at Cory, sa mabangis na pagkamatay ng 44 na pulis ng Special Action Force.  Pero, “alam” na ito ng senior officers at retired officers ng Armed Forces.

Ang Armed Forces ang pinakamababang uri ng tropang gobyerno ngayon.  Alam nila na ni isang heneral ay walang malapit at malakas sa pangulo.  Hindi sila
ipinatatawag sa Bahay Pa-ngarap para kausapin ng higit pa sa masinsinan.

Ang pagiging pinaka-mababang uri ay pinatunayan na ng body language sa mga pagdinig sa Kongreso.  Hindi agresibo at palaban ang mga opisyal ng AFP; at palaban, agresibo at binasahan pa ang mga mambabatas ng teyorya ng chain of command, na opinyon lang naman ni Leila de Lima; na nag-iisa lang naman sa opinyong iyan at hindi lima.

Para sa simpleng paghahambing, heto lang iyan: Hindi ipinasibak ng inspektor ang guwardiyang nadatnang tulog sa kanyang puwesto.  At ipinagtanggol pa iyan at sinabing ipinikit lang ng guwardiya ang kanyang mga mata para naman makapagpahinga dahil napagod sa kadidilat sa mahabang oras ng pagbabantay.

Mananatiling lihim sa nagngangalit na taumbayan ang malaki at malawak na ginampanan ni Aquino sa pagkamatay ng mga pulis ng SAF.  Pero, pansamantala lang naman iyan dahil sisingaw at sisingaw din iyan, tulad ng talinhaga ng  isa pang Ebanghelyo, na hindi naglalagay ng nakasinding lampara sa ilalim ng kama.

Sa Disyembre ay simula na ng hayagang kampanya sa eleksyon sa 2016.  Malaking isyu sa halalan ang brutal na pamamaslang sa mga pulis ng SAF.

Higit sa lahat, lalabas ang buong katotohanan at detalye nito sa 2016, kapag mawala na sa kapangyarihan ang lider na matigas ang ulo dahil mauunang magbabaligtaran ang kanyang mga kaalyado na matatalo sa eleksyon kapag patuloy na mangungunyapit sa kanyang laylayan.  Ngayon pa lamang ay dahan-dahan na ngang dumidistansiya sa kanya ang dalawang senador at apat na kongresista dahil nakikita na nila na maglalaho rin sila sa pagdilim ng kasikatan ni Aquino.

Kung ang bakal ay lumalambot, lumuluha rin naman ang matatapang na opisyal ng National Police at Armed Forces.  Sa pagluha ni Leonardo Espina sa Kamara, lumuha na rin ang mga opisyal ng SAF at Armed Forces.  At nauunawaan din naman ng mga kasapi ng sandatahang lakas kung bakit hindi lumuha ang mga miyembro ng peace panel.

Sa pagluha ng mga opisyal ng PNP at AFP sa Kamara, mas lalong tumindi ang galit ng puwersang unipormado, kabilang na ang jail guards at bumbero.  Hindi dalamhati ang luha ng PNP at AFP, kundi ito’y dulot ng matinding kaapihan at galit.

Sana’y napanood ito ni Grace Poe.  Dahil ang kanyang ama na si FPJ ay maraming pelikula na ganito ang pinagdaanan at tema.  Sige, iha, magalit ka rin at huwag gamitin ang pagdinig para sa susunod na ambisyong politikal.

Kung naging tunay na Katoliko lamang ang pangulo, hindi siya mahirap mahalin ng taumbayan, ng mahihirap at api.  Araw-araw ay mayaman ang mga Ebanghelyo sa aral, pagninilay, pagsasadiwa at gawa, tulad ng ating pambungad sa Sim 27 1:3, 5, 8b-9abk; Heb 13:1-8; Mc 6:14-29 sa ikaapat na linggo sa karaniwang panahon.

Ang pagsasabi ng tunay at totoo ay makapagpapalakas sa kanyang dangal.  Pero, hindi niya ginagawa ito, bagkus ay marami siyang itinatago; kaya malinaw ang babala ng pagninilay sa maaari niyang pagbagsak.

Kung napakarami nang hindi maganda ang ginawa sa kapwa, sa taumbayan, lalo na sa mahihirap, ito ay babalik, maniningil at uusigin ang kanyang kasalukuyan.  Sa pag-uusig ng nakalipas sa kasalukuyan, hindi siya makaliligtas sa paniningil sa kanyang mga kasalanan, lalo na ang pang-aapi at paninisi sa lugmok.

Tama na sana ang kanyang inumpisahang tuwid na daan. Pero bukambibig lang pala ito at inihayag na iyan sa pagninilay sa Ebanghelyo.

Pero, hindi pa naman huli ang lahat dahil timba-ngin lamang niya ang mga bagay-bagay at pumanig sa katotohanan, huwag magkubli at huwag magsi-nungaling, ay muli pa siyang makababangon sa huling 16 na buwan.  May magagawa ang Diyos kung siya’y lalapit at magtatapat.

Diringgin ng Diyos ang kanyang samo, kung ito ay idudulog niya sa Kanya.  Hihintayin siya ng Diyos hanggang sa huling pagkakataon.

MULA sa bayan (0906-5709843): Wala namang gulo dito  sa Mindanao kung magkaisa ang ating mga kapatid na Moro.  Sila ang balakid sa kapayapaan sa Mindanao.  Sila-sila ang nag-aaway, sila ang dahilan ng gulo.  Hindi kaming mga Kristiyano ang gumagawa ng gulo. Pagkakaisa lamang ng ating mga kapatid na Moro ang solusyon upang mapayapa kami dito sa Mindanao.  Dods …9382

Si Bucay ay inalagaan ng dalawang matataas na opisyal noong panahon ni Marcos para may ipantapat sa mababangis na Moro.  Ganoon lang naman ka simple ang pagtapat sa mabangis. …8553

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi puwede kay Rody Duterte ang ginagawa ng mababangis na Moro.  Kayang hanapin ni Duterte ang mga pumatay sa SAF. Kung ang nawawalang cell phone sa Davao City, nahahanap ni Duterte kahit gabi, Moro pa kaya na pumatay sa SAF? …6745

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending