Kris, P-Noy dapat tularan ang kababaang-loob ni Erap | Bandera

Kris, P-Noy dapat tularan ang kababaang-loob ni Erap

Cristy Fermin - February 11, 2015 - 03:00 AM

erap estrada
Napakagandang ehemplo ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada para sa mga taong nagkikimkim ng galit sa kanilang kapwa. Walang makakakabog sa aktor-pulitiko kapag pagpapakumbaba na ang paksa.

Napakagandang katangian. Marunong siyang magpatawad at humingi ng paumanhin, napakapusong-mamon ni Pangulong-Mayor Erap, kaya naman binabalikan din siya ng magandang kapalaran.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Sa taas na ng inabot niyang kasikatan at posisyon sa gobyerno, naihahanap pa rin niya ng space sa puso niya ang panghihingi ng dispensa kung kinakailangan.

“Ipinagmalaki ni Kris Aquino na five times daw nagsabi ng sorry sa kanya si President Erap, that’s so nice, sa estado niya bilang top man ng bansa natin, napakaganda ng puso niya.

“Hindi madaling magbaba ng pride, lalo na kung maihahanap naman ng katwiran ang ginawa ng anak niya kay Kris, but still, nagpakumbaba siya. Sana, tularan din ni Kris at ng kuya niyang pangulo ang ginawa ni President Erap.

“Ang image kasi nila, e, benggador sila, mapagtago ng galit, dahil hanggang ngayon naman kasi, kahit saan maimbitang mag-speech si P-Noy, e, palagi pa rin niyang pinatututsadahan si ex-President Gloria Arroyo.

“Matatapos na ang term niya, move-on na, para maging maunawain din ang mga kababayan natin sa mga mali niyang decisions. “Nakikita niya ang kakapusan ng iba, pero ang mga kakulangan niya, e, hindi?

“Kaya nga ginawa ang salamin, e. ‘Yun ang reason, ‘yun ang dahilan, para paminsan-minsan, e, nananalamin din tayo para makita ang mga flaws natin,” makabuluhang komento ng kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending