MALINIS NA KARTADA ITATAYA NG MERALCO | Bandera

MALINIS NA KARTADA ITATAYA NG MERALCO

Barry Pascua - February 10, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs Rain or Shine
7 p.m. Globalport vs Alaska Milk
Team Standings: Barako Bull (2-0); Meralco (3-0); Purefoods Star (3-0); Rain or Shine (2-1); Talk ‘N Text (2-1);  Alaska Milk (1-1);  Barangay Ginebra (1-2); Globalport (1-2); Kia Carnival (1-3); NLEX (0-2); San Miguel Beer
(0-2); Blackwater (0-3)

NASA pinakamagandang simula buhat ng maging miyembro ng pro league, itataya ng Meralco ang malinis na record kontra sa paangat na Rain or Shine sa PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-4:15 ng hapon sa Smart Araneta coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hangad naman ng Alaska Milk na maiposte ang ikalawang sunod na panalo kontra Globalport alas-7 ng gabi na main game.

Sa pagtutulungan nina import Josh Davis at national player Gary David  ay nakapagrehistro ng tatlong sunod na panalo ang Bolts kontra sa Barangay Ginebra (85-74), Kia Carnival (90-80) at Talk ‘N Text (91-83).

Sa tatlong laro, ang 6-foot-6 1/2 na si Davis ay nag-average ng 16.67 puntos at 20 rebounds. Si David, isang two-time scoring champion ng liga, ay may 21 puntos kada laro.

Katuwang nina Davis at David sina Cliff Hodge, John Wilson, Reynell Hugnatan at Mike Cortez.

Matapos na matalo sa kanilang unang laro laban sa Talk ‘N Text (85-89), ang Rain or Shine ay dumaan sa dalawang dikdikang panalo kontra sa NLEX (96-91) at Globalport (104-98).

“It’s good to win close games. They build character. But sometimes we have to win handily. That’s because if you put yourself in a position where you can lose, then you will lose,” ani Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.

Ang  Elasto Painters ay pinangungunahan ng import na si Rick Jackson na sinusuportahan nina Paul Lee, Jeff Chan, Gabe Norwood, Ryan Araña at Beau Belga.

Ang Alaska Milk ay tinambakan ng defending champion Purefoods Star, 108-88, sa kanilang unang laro. Pumasok sila sa win column noong Sabado nang maungusan ang NLEX, 96-95.

Patuloy na hindi nakapaglalaro para sa Aces sina lead point guard JVee Casio at sentrong si  Joaquim Thoss.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending