Willie biglang sumulpot sa taping ng Banana Split, namigay ng pera | Bandera

Willie biglang sumulpot sa taping ng Banana Split, namigay ng pera

Ambet Nabus - February 10, 2015 - 02:00 AM

willie revillameWILLIE BIGLANG SUMULPOT SA TAPING NG BANANA SPLIT, NAMIGAY NG PERA
Pero hindi inere ng Dos, inedit ng production
“SIGURADO namang hindi pinayagan!” Ito ang bonggang chika ng mapagkakatiwalaan naming source hinggil sa pagpapalabas ng pagbisita ni Willie Revillame sa gag show ng ABS-CBN na Banana Split kamakailan.
Personal na ipinakita sa amin ng aming kausap ang video sa cellphone ng pagdalaw ng dating host ng Dos kung saan nga nakipagkulitan pa ito sa mga hosts and audience.
“Closing na iyan. Nagpapaalam na ang lahat nang lumabas mula sa backstage si Willie,” paglalarawan pa ng aming source habang pinanonood nga namin ang nakunang video during the taping ng Banana Split.
Naganap daw ito nito lang unang linggo ng Pebrero at ipinalabas nga noong Sabado. Sa Music Museum naganap ang taping kung saan sinabihan din ang lahat na bawal kunan at piktyuran ang naturang insidente.
Sa napanood naming video ay simpleng lumabas si Willie sa stage, binati ang mga nakapilang hosts ng show at ang audience. Then, saglit siyang bumalik sa may bandang likod ng stage sabay sigawan ang mga tao habang tinutugtog ang “Igiling-Giling”, ang kanta na identified kay Willie noong nasa ABS-CBN pa ito.
Noon bumalik sa stage si Willie at namigay na nga ng pera sa mga manonood habang may mga babaeng dancers nang gumigiling sa stage. “Lahat kami nagulat. For sure, nabaliw si Madam Linggit (Tan-Marasigan, executive ng ABS). Basta ang sabi sa amin nina direk (Bobot at Frasco Mortiz), sinakyan lang nila,” sey pa ng aming kausap.
Hmmm, sa dami ng mga nasa Music Museum (mga regular Banana Split audience) tiyak din naming may magpapakalat ng naturang pagbisita at pamimigay ng pera ni Willie nu’ng gabing yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending