Magkaka-GF na ba sa Valentine’s day? (2) | Bandera

Magkaka-GF na ba sa Valentine’s day? (2)

Joseph Greenfield - February 09, 2015 - 02:00 PM

Sulat mula kay Edwin ng KM 9, Taguibo,  Butuan City

Problema:

1. Nagtataka ako sa sarili ko Sir Greenfield kung bakit guwapo at may itsura naman ako, sabi ng mga friends ko pero bakit kaya hanggang ngayon sa edad kong 29 ay hindi pa rin ako nagkaka-girlfriend. At ni minsan sa buong buhay ko hindi man lang ako nakaranas na makipag-date sa isang babae. Marami naman akong niligawan pero ewan ko ba parang hindi yata ako nagugustuhan talaga ng mga babae.

2. Ask ko lang po kung aabot pa kaya sa darating na Valentine’s Day kung magkakaroon kaya ako ng “ka-partner”? At minsan iniisip ko kung magkakagirlfriend pa kaya ako at makakapag-aasawa. Kung tatanungin nyo ako, may maganda naman po akong trabaho sa isang bangko bilang accounting clerk. October 16, 1985 ang birthday ko.

Umaasa,
Edwin ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 1.) ay nagsasabing bago ka umedad ng 30, isang babaing isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong makikilala at ang nasabing babae, ang una at huli mong magiging girlfriend.

Numerology:

Ang birth date mo namang 16 ay nagsasabing ang nasabing babae na isinilang sa zodiac sign na Gemini na iyong magiging first and last girlfriend ay nagtataglay ng birth date na 4. 13. 22 o kaya’y 31.

Graphology:

Ang iyong lagda medyo pumangit at naburara (Illustration 2. Arrow a.) ay isang malinaw na indikasyong kapag hindi mo iyan binago malamang na hindi ka na nga makapag-aasawa. Ganon pa man, kung babaguhin mo ang nasabing lagda, kung saan, wag mo nang ibalikwas sa direksyong pakaliwa ang dulong bahagi ng iyong pirma, sa halip tuloy-tuloy lang na patungong sa direksyong pakanan, sa ganyang lagda, magkakaroon ka ng nobya, makapag-aasawa, at sa aspetong pampamilya habambuhay ka nang liligaya.
Huling payo at paalala:

Edwin ayon sa iyong kapalaran, hindi ka dapat mag-aksaya ng panahon, mag-practice ka na ng bago mong lagda na inirekomenda na sa itaas. Sa sandaling nagawa mo yan, sa taon ding ito ng 2015, sa buwan ding ito ng Pebrero, maaaring sa huling lingo o kaya’y sa unang linggo ng Marso sa edad mong 29 pataas magkaka-girlfriend ka na, hatid ng isang babaing nagtataglay ng initial na M.C.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending