Finals duel ikakasa ng Hapee, Cebuana Lhuillier
Mga Laro Ngayon
(The Arena)
2 p.m. Cebuana Lhuillier vs Cagayan Valley
4 p.m. Café France vs Hapee
SELYUHAN ang pagkikita sa kampeonato ang nais makamtan ng Hapee Fresh Fighters at Cebuana Lhuillier Gems sa Game Two ng 2015 PBA D-League Aspirants’ Cup best-of-three semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.
Unang sasalang ang Gems laban sa Cagayan Valley Rising Suns sa ganap na alas-2 ng hapon bago halinhinan ng Fresh Fighters at Café France Bakers dakong alas-4 ng hapon.
Nakauna ang Hapee at Cebuana Lhuillier nang talunin ng una ang Bakers, 74-58, habang ang Gems ay nakapanorpresa sa top seed na Rising Suns, 89-85.
Depensa ang muling sasandalan ng tropa ni Hapee coach Ronnie Magsanoc para makarating sa Finals sa pagbabalik ng Hapee sa amateur basketball.
“Café France is a determined team and well coached. We have to go deeper and rise to the challenge,” wika ni Magsanoc na ang koponan ay ang number one defensive team ng liga sa ibinibigay na halos 58 puntos lamang sa kalaban.
Aasa naman si Gems coach David Zamar sa galing ng mga guards bukod sa husay ni 6-foot-7 center Norbert Torres para patalsikin na ang Cagayan Valley na hindi natalo matapos ang 11 laro sa elims.
Sina Fil-Am Simon Enciso, Allan Mangahas at Almond Vosotros ay may 22, 17 at 15 puntos habang si Torres ay may 15 puntos bukod sa paglimita sa top rookie pick at 6-foot-7 center Moala Tautuaa sa mahinang limang puntos lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.